HIRAETH (Tagalog)
“Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi lang siya magaling sa paghawak ng armas. May taglay rin siyang talino. Isa rin siyang dugong maharlika. At nakikita namin na may mga katangian siyang hindi tinataglay ng normal na mamamayan ng Gokayama. Sa darating na panahon, nakikita kong...pamumunuan niya ang bayang ito, bilang hari ng lahat,” nakangiti niyang sambit at napasulyap sa akin. Namilog ang mga mata ko at nanindig ang balahibo sabay tingin kay Tsuyu na abala pa rin sa pagsasanay. Bata pa lamang si Yamaro pero bakit ganito na siya magsalita kapag kuya na niya ang pag-uusapan?
“Ikaw, ang tutulong upang makaapak siya muli sa kaharian. Hindi bilang isang mababang uri ng mamamayan. Kundi isang igen,
Hot Chapters