The CEO Has Fallen For Me
Nakaupo pa rin ako sa upuan, pero unti-unti kong ibinaba ang ulo ko, pinipilit ibalik ang sarili ko sa karakter na gusto nilang makita—yung babaeng unti-unti nang nawawala sa katinuan.
“Patient 610,” tawag ng nurse habang papasok, may kasama pang dalawang staff na parang mga gwardya. “Time to go back to your room.”
Hindi ako sumagot. Instead, tumingin lang ako sa kisame, saka ngumiti ng walang dahilan, yung tipong ngiti na kahit ako alam kong nakakainis tingnan. Pinagalaw ko pa ang ulo ko nang bahagya, parang may kausap na iba, kahit wala naman. Kita ko sa peripheral vision ko kung paano sila nagtinginan—perfect. They’re buying it.
الفصول الرائجة