SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]
Alas singko ng umaga ang pasok ko sa panaderya sa kanto, at kapag nahuli ako kahit limang minuto lang, bawas agad iyon sa sahod ko.
Wala akong karapatang mahuli. Wala rin akong karapatang magkasakit. At higit sa lahat, wala akong karapatang sumuko. Dahil habang lumalaban ang kapatid ko para mabuhay, mas kailangan kong maging matatag at lumaban para sa kanya. Pero minsan... napapaisip din ako. Hanggang kailan ko pa kaya kakayanin? Hanggang kailan ko mapipilit ang sarili kong ngumiti, kahit sa totoo lang, unti-unti na rin akong napapagod at gusto nang sumuko?
Ako si Seraphina Monteverde, dalawampu't tatlong taong gulang. Isa lang akong ordinaryong babae na pinilit maging matatag dahil wala nan