The Principal's Affair
“Alam ko, hindi madali ang unang gabi sa camping. Maraming first time dito, unang beses matulog sa tent, unang beses kumain ng tinolang may gulay na ayaw mo, unang beses makipag-share ng unan sa kaklase mong hindi mo kilala. Pero lahat ng ito ay bahagi ng adventure. Lahat ng ito ay mga alaala na bumubuo sa pagiging kabataan ninyo.”
Mabagal ngunit matatag ang kanyang tinig. Walang halong pormalidad, walang maskara. Para bang bawat salitang binibitawan niya ay may laman, may bigat, may puso.
“Kaya ngayong gabi,” dagdag pa niya, “Mag-enjoy kayo. Maglaro, matuto, at higit sa lahat—makinig sa sarili n’yong tapang.”
Hot Chapters