Diary Ng XXX Celebrity
Maging mga rice cooker, hindi nagpahuli.
Diary, may surpresa pa ako kay Azia na hindi pa niya nalalaman. Wala siyang kaalam-alam na nakapagpatayo na ako ng bahay sa dream country niya. Gustong-gusto ni Azia sa south korea, kaya kinabukasan nung kasal namin, nagpahanap talaga ako ng malaking lupa doon. At nung makahanap ako, nagpatayo agad ako ng malaking mansiyon. Nagtataka nga si Azia kung bakit wala akong regalo nung kasal namin. Nung kasal kasi namin, niregaluhan niya ako ng luxury car, tapos ako raw ay wala. Hindi niya alam, gusto kong malagpasan ‘yung niregalo niya sa akin, kaya manisyon sa south korea ang hinanda kong regalo sa kaniya.