Memories of the Past [COMPLETED]
Naroroon sa ruweda ang matataas na tao, mayayaman at mga tahur ang may pasabong at tagahatol.
Naroon at matatagpuan natin ang kapitan, Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at si Teodoro, ang lalaking may peklat sa mukha at nagdaramdam daw sa pagkamatay ng kapatid. Lumapit si Kapitan Basilio sa isang tao upang itanong kung anong manok ang dala ni Gobernador Gregorio. Ngunit si Gobernador Gregorio pala ay tumanggap ng dalawang sasabungin at isa sa mga ito ay lasak. "Sa palagay mo ba ay maaari kong ilaban ang aking manok na bulik," tugon ni Kapitan Basilio. "Opo, bakit po hindi! Ipupusta ko po ang aking bahay at ang aking baro."