Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret

KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret

Isang gabing bangungot ang naganap sa buhay ni Krystal .Dahil sa kanyang trabaho napagsamantalahan siya ng isang lalaki na hindi man lang niya nakita ang mukha nito . Ang masaklap limang daang libo lang pala ang bayad ng kanyang dangal . Hindi niya lubos matanggap na ganung paraan nawala ang iniingatan niyang dangal . Kinamumuhian niya ang misteryosong lalaki na nanghagasa sa kanya at dahil sa nangyari halos gusto na niyang kitilin ang buhay na meeon siya . Paano niya mahahanap ang lalaking sumantala sa kanya gayong walang nakakaalam kung sino ito . Mabibigyan ba niya ng hustisya ang nangyari sa kanya o ililibing nalang sa limot ang lahat ? Dahil sa nangyari sa kanila ng lalaking misteryoso nagbunga ng dalawang sanggol .Sa una hindi niya matanggap ang bunga ng pagsasamantala sa kanya .Pero dahil sa tulong ng mga taong nasa paligid ay unti unti na rin niyang natanggap ang mga ito. Dahil hindi siya nakapagtapos ng pag aaral .Nagpursigi parin siyang makahanap ng magandang trabaho dahil kailangan na niyang tustusan ang pangangailangan ng mga bata .Lumalaki na ang kambal niyang anak at may pinapasahod pa siyang tao na nagaalaga sa mga anak niya ,kaya naisipan niyang mag apply sa isang sikat na kompanya . Dito nakuha siya bilang secretary ng president ng kompanya. Nakuha parin siya dahil maganda ang kanyang background pagdating sa akademya . Ang ganda at talino na meron si Krystal napaibig sa kanya ang boss nito . Matatanggap kaya ni Krystal ang pagibig na alok ng lalaking nagugustuhan niya rin pero may alinlangan dahil may babaeng nakalaan para dito !!! lalo't wala siyang laban dahil isa siyang single mom . Warning this is SPG 18+ only
Romance
157 viewsOngoing
Read
Add to library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
Romance
1016.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Thou Shall Not Covet  Thy Neighbor's Wife

Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife

Michelle Vito
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. "Hindi ako tatanda na kagaya ninyo na kuntento na lamang manilbihan sa mga Montero," Giit ni Mariz sa ina na katulong sa mansion at ama na katiwala sa hacienda. Gusto niyang makapagsuot ng magagarang damit , pagsilbihan na gaya ng isang Montero. Ang pamilya Montero kasi ang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong San Mateo. Ito ang batas sa lugar nila at kung kaya't kinatatakutan at tinitingala ang buong angkan nito. Hanggang sa makilala niya at mapaibig ang isang Gerald Montero. Ito na ang pagkakataon niya . Gagamitin niya si Gerald upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap. Ngunit isang trahedya ang naganap. Pinasok siya sa kuwarto ng isang nakamaskarang lalaki at ni-rape. Kasabay niyon ay ang biglang paglaho ni Gerald sa buhay niya. Nagbunga ang malagim na sinapit niya. Ang kanyang kababata na si Jay-are ang nagligtas sa kahihiyan na sinapit niya. Pinakasalan siya nito at naging ama sa kanyang anak. After 7 years, muling nagbalik si Gerald Montero , this time nakatakda na itong ikasal kay Andrea , ang matindi niyang katunggali sa ganda at talino sa bayan ng San Mateo Muling nagkurus ang landas nila ni Gerald.Nagkaroon siyang muli ng pagkakataong akitin at paibigin si Gerald.Hanggang unti-unti ay masumpungan niya ang sariling nalulunod na sa sobrang pagmamahal niya kay Gerald. Balewala na sa kanya ang ang yaman at kapangyrihan nito. Mahal na niya itong talaga. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ngunit paano kung isang umaga ay natagpuan siyang duguan sa tabi ng wala ng buhay niyang asawa? Siya ba ang pumatay kay Jay-are? Bakit wala siyang maalala bago ito paslangin? At sino ang lalaking gumahasa sa kanya seven years ago? May pag-asa pa bang muling mabuo ang naudlot nilang pag-iibigan ni Gerald?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1012.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status