Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Cool Sweetheart

My Cool Sweetheart

Noong nakita ko siya, hindi ko mapigilang humanga sa kanya. Ang kanyang mukha ay napakaamo na akala mo hindi makakabasag pinggan, ngunit hindi ko akalain na isa siyang matapang at kaya niyang gawin ang lahat, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya at kahit ako. Kaya siya simula noon hinahangaan ko na siya dahil siya ay isang cool na babae.
1020.9K viewsCompletedAdded to Library 837 Times as siya ay
Read
+Library
The Rebirth Wife Strike Back

The Rebirth Wife Strike Back

Sa nakaraang buhay ni Yvette Dantes, siya ay pinagtaksilan at niloko ng kanyang kasintahan at matalik na kaibigan. Hindi lang iyon, sinira ng dalawa ang kayang reputasyon at hindi pa nakuntento ay walang awa siyang pinatay ng mga ito. Sa hindi inaasahan, siya ay muling nabuhay ngunit sa katauhan ni Samantha Vicente. Tulad ng buhay niya dati, ang buhay ni Samantha ay miserable, and she married by the cold-hearted billionaire named Logan Vicente. Nang gusto na nitong makipaghiwalay ay hindi siya nagdawalang-isip na pumayag kahit pa ang kapalit nito ay magiging katawa-tawa siya sa mata ng mga tao. Akala niya, mas magiging miserable ang buhay niya pagkatapos siyang itapon ng walang kaawa-awa, pero ang kapalaran ay tuluyang magbabago para sa kanya. Sa ganu'ng paraan ba magagawa ni Samantha palambutin ang puso ng isang Logan Vicente na kasing tigas ng isang bato?
894 viewsOngoingAdded to Library 33 Times as siya ay
Read
+Library
Flirting the Cold Billionaire

Flirting the Cold Billionaire

Ehryn Writes
Si Emily Chavez yung tipo ng babae na hindi nagseseryoso sa relasyon. She thinks men just come and go. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang tuluyang maagaw ni Kier Montenegro ang atensyon ng dalaga. Cold, aloof, but drop-dead gorgeous billionaire. Noong una ay wala lang kay Emily ang lahat, na alam niyang balang araw ay magsasawa rin siya sa pagpapapansin sa lalaking iyon. Pero paano kung iba ang nangyari? Paano kung sa pagsubok niyang paibigin ito ay siya ang mahulog sa lalaking kailanman ay hindi siya kayang mahalin?
102.4K viewsOngoingAdded to Library 82 Times as siya ay
Read
+Library
Her Contract with Her Boss

Her Contract with Her Boss

Sa araw, siya ang mahinhin at maparaan na chief secretary, at sa gabi, siya ang malambot at charming na kapares sa kama. Paglipas ng tatlong taon ng mutual support, akala niya ay minahal siya nito. Nagpropose siya sa binata, ngunit narinig niya ang sinabi nito: "Ito ay laro lamang na kasali ang katawan pero hindi ang puso. Sa tingin mo seseryosohin ko to?" Sobra siyang nasaktan at lumingon paalis. Simula non, ang buhay niya ay umangat, umangat din siya sa career, at naging gold medal lawyer na walang sino mang nangahas sa legal community. Merong hindi mabilang na manliligaw sa paligid niya. Pinagsisihan iyon ng binata at tinulak siya sa dingding na may namumugtong mata: "Ang katawan ko, ang buhay ko, lahat ay sayo, will you marry me?" Maliwanag ang mga ngiti niya: "Pasensya na, gumilid ka, hinaharangan mo ang panibagong buhay ko."
5.56.1K viewsOngoingAdded to Library 202 Times as siya ay
Read
+Library
The Fusion of Two Worlds

The Fusion of Two Worlds

Mathealogy
Isang babaeng pinangalanang Sithya ang nadisgrasya dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya, hindi niya alam kung paano mamumuhay ng walang kaalam alam kung sino at nasaan siya. Wala siyang ibang magagawa kundi ang magpanggap at makisama sa mga mageno na napag-alamanan niyang may espesyal na abilidad. Namuhay siyang nagpapanggap na kabilang sa mga naninirahan sa Voreios, lugar kung saan nakatira si Ravus — ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa makuha niya ulit ang kanyang memorya. Nang sa gano’n ay makabalik siya sa totoong kanyang pinanggalingan, at hindi iyon Voreios. Naging matunog ang kanyang pangalan sa Voreios dahil sa kanyang pambihirang pisikal na abilidad na kayang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mga mageno kung kaya’t sa maikling panahon ay itinuring siyang isa sa mga mageno kahit walang taglay na espesyal na abilidad. Sa maikling panahon ay marami na siyang nagpadaanan sa loob ng Voreios at pakiramdam niya ay kabilang talaga siya dito. Kaya gumuho ang lahat nang bumalik ang kanyang memorya. Hindi siya si Sithya. Hindi siya taga-Voreios, at lalong lalo nang hindi siya mageno dahil siya si Seffyre Nicolisle Lestridge na isang tao. Siya pala ay mula sa mundo ng mga tao na kinamumuhian ng mga mageno. Nauunawaan niya na kung bakit kakaiba ang kanyang pisikal na abilidad. Iyon ay dahil siya ay hindi lang ordinaryong tao kundi isang agent na hubog sa pakikipaglaban. Ngayon ay kailangan niyang gumawa ng paraan upang makabalik sa mundo ng mga tao na kanyang totoong kinabibilangan habang wala pang nakakaalam sa kanyang lihim. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao ay nabalitaan niya na ang mundo ng mga mageno ay nasa panganib. Pipiliin niya bang bumalik para tumulong? O manatiling mamuhay ng ordinaryo sa kanyang sariling mundo?
4.7K viewsOngoingAdded to Library 122 Times as siya ay
Read
+Library
Lustful Affair with my Uncle

Lustful Affair with my Uncle

WARNING: R18+ Si Savrinna Angel Dela Vega, ang unica hija ng mga Dela Vega. Sa kabila ng pagiging istrikto ng kanyang magulang ay lumaki siyang ginagawa ang gusto niya. Nang magtungo siya sa isang bar ay nakilala niya doon si Markus Axel Policarpio. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may naglagay ng party dr•gs sa kanyang inumin na muntik na niyang ikamatay kung hindi siya nailigtas ni Markus. Kumalat ang video ni Savrinna na nagsasayaw sa bar kaya pinadala siya ng magulang niya sa probinsya sa bahay ng kanyang lolo at lola. At doon ay muli niyang nakita si Markus, na nagpakilala bilang uncle niya. Nagulat siya sa nalaman dahil ang lalaking nakahalikan niya sa bar ay uncle niya pala. At mukhang wala itong planong magustuhan siya kaya naisip niyang gumawa ng paraan para makuha ang atensyon nito. Ang simpleng pagpupustahan kung sino ang unang matutupok sa laro ng pag-ibig, ay nagbunga ng hindi inaasahang pagmamahalan. Hanggang sa pareho na nilang hindi kayang layuan ang isa’t isa.
1098.0K viewsCompletedAdded to Library 2.7K Times as siya ay
Read
+Library
Governor Ignacio is my Daughter's Substitute Daddy

Governor Ignacio is my Daughter's Substitute Daddy

Tahimik ang buhay ni Isabella Monteverde, isa lang siyang simpleng babae at abala siya sa trabaho niya sa isang malaking hotel. Pero isang gabi ang sumira sa katahimikang iyon, dahil nagising na lang siya sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki. Sa sobrang takot ay agad niyang iniwan ang lalaki sa silid na iyon. Pagkalipas ng ilang linggo ay nalaman niya na nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa, kaya sa sobrang takot niya ay nag-resign siya sa hotel na pinagtatrabahuhan niya at mag-isang pinalaki ang kanyang anak. Ang hindi niya alam, sa probinsyang kanyang nilipatan, ang lalaking nakabuntis sa kanya ay ang gobernador ng probinsya. Sa loob ng walong taon, mag-isa niyang pinalaki ang kanyang anak pero isang insidente ang tumulak sa kanya para magmakaawa sa gobernador para iligtas ang kanyang anak. Hindi siya nakilala ni Governor Ignacio, pero pumayag itong tulungan siya. Nang mailigtas ang kanyang anak, dahil sa sobrang trauma ng bata ay inakala nito na ang kanyang ama ay ang gobernador na nagligtas sa kanya. Nanatiling hindi sinasabi ni Isabella na ang totoong ama ng kanyang anak ay ang gobernador mismo. Para paluguran ang bata ay napagdesisyunan nila na ito ang magiging substitute daddy ng bata, kapalit nito ay siya ang ipapakilalang babae na matagal nang hinahanap ni Governor Ignacio.
960 viewsOngoingAdded to Library 31 Times as siya ay
Read
+Library
My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!

My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!

Paano kung sa muling pagmulat mo ng mata, ay makikita mo ang boss mong sinasabi nilang mailap sa babae at nyebe kung makitungo ay hinahabol-habol ka na, at kung maka-bakod ay akala mo pag-aari ka!?. Paano kung sa muling pagmulat mo ng mata ay mare-realize mong ang pinaka-iningat-ingatan mong regalo para sa magiging asawa mo ay nakuha na ng nyebe mong boss!?. Siya si Naomi, ang sikat na fashion designer na nag ta-trabaho sa Sandoval Clothing. Linoko siya ng kanyang ex at pinagpalit siya sa best friend niya. Ilang taon durog ang puso ng dalaga at ilang taon rin siyang inantay ng lalaking matagal na siyang nagugustuhan. At kung gaano niya ka-disgusto ang boss niya sa opisina, ay kabaligtaran sa tuwing sila ay nasa kama.
1012.3K viewsOngoingAdded to Library 333 Times as siya ay
Read
+Library
Fight For Love (Gabriel & Jenny)

Fight For Love (Gabriel & Jenny)

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig mo kung ang isip at puso mo 'ay gusto ng sumuko dahil sa mga taong gustong humadlang para lumigaya kayo? Gabriel Alarcon, a spoiled son. Bata pa lang siya 'ay lumaki na siya sa marangyang buhay, ngunit sa kabila ng lahat 'ay hinahanap-hanap pa rin niya ang alaga ng isang Ina na kailan man 'ay hindi niya naranasan. Tanging mga kasambahay at ang ama, kasama na ang Lola niya ang kasama niya sa buhay na lahat 'ay binibigay para sa kanya. Jenny Alipio, is a simple girl. Pangarap lang ay makapagtapos siya sa kaniyang pag-aaral 'ay sapat na. Dahil sa pangarap na 'yon ay makikilala niya si Gabriel na pagsisimulan ng lahat-lahat nang Saya at lungkot. Handa ka na bang magmahal at masaktan?
10.9K viewsOngoingAdded to Library 306 Times as siya ay
Read
+Library
Carrying The Billionaire's Real Heir

Carrying The Billionaire's Real Heir

MissBangs001
Bata pa lamang si Ariya ay siya na ang taga-salo ng problema ng kanyang kakambal na si Ayana. Dahil sumama ito sa lalaki gabi bago ang kasal nito kay Ashton Herrera ay napilitan si Ariya na pakasalan ang binata. Iyon na sana ang huling kahilingan na ibibigay niya sa ama kapalit ng limang milyon, ngunit gumuho ulit ang mundo niya nang malaman na buntis si Ayana at kailangan niyang magpabuntis sa binata bago siya umalis sa pamamahay nito. Tatlong buwan siyang namalagi sa bahay ng binata noong una ay galit na galit ito sa kanya, ngunit di maglaon ay tinanggap at minahal na rin naman siya nito. Ngunit bago niya pa maamin sa binata ang sekreto niya ay kinidnap na siya ng kanyang ama at ipinalit na nito si Ayana. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya pa kaya niyang aminin sa binata na ang tunay nitong anak ay ang batang hawak-hawak niya? O hahayaan na lamang itong maging masaya sa piling ng kanyang kakambal? Magpaparaya na lang ba siya katulad ng palagi niyang ginagawa kahit na hinahanap na ng kanyang anak ang ama nito?
1011.2K viewsOngoingAdded to Library 368 Times as siya ay
Read
+Library
PREV
1
...
45678
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status