THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES
“Napakasakit lang sa akin na tuluyang nilamon ng pagseselos mo ang pagmamahal mo sa akin. Hinayaan mong sirain ng paghihinala ang dapat ay buong tiwala mo sa akin at ng pagmamahal mo. Ako naman ang magtatanong tutal kahit anong isasagot ko ay hindi ka naman na rin naniniwala pa. Nagseselos ka ba kay Jenny?”
“Selos? siguro, maari, ngunit mas akmang sabihing natatakot akong pinagpapalit mo na ako.”
“Natatakot ka sa wala. Kinukutuban ka sa bagay na hindi pwede. Nilalamon ka lang ng iyong insecurities.”
“Insecurities? Hindi ako insecure, pero sige oo na, ako na ang insecure, baka nga wala na akong tiwala rin sa sarili ko at pagmamahal mo ngunit, siguro ngayon lang.”
Bab Populer