Owning Her (tagalog)
"Mayroon lang ho kaming konting tampuhan mag-asawa."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Angela. Na-stress ba ito dahil masyadong dinamdam nito ang naging pag-uusap nito at ni Jonas?
"Ganoon ba? Eh, ako naman ay hindi nakikialam pero sana, eh, ganyang maselan ang pagbubuntis ni Angela, baka naman pupwedeng pagpasensyahan mo na lang ang ugali. Ikaw na ang bahalang magparaya. Ganoon naman daw talaga ang mga nagbubuntis. Mahirap espelingin. Ang asawa ko nga dati, ang ina ng mga iyan, 'pag buntis lagi kaming giyera patani. Pero pagbibigyan mo na laang at lilipas din naman iyon." Tinapik-tapik pa nito ang balikat niya.
Bab Populer