กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Marrying A Probinsyano?

Marrying A Probinsyano?

Zariah Fuente, isang babaeng bunga ng isang one night stand. Buong buhay niya ay pinaramdam ng kanyang ama na siya'y isang pagkakamali mula sa nakaraan. Kahit kailan hindi niya naramdaman may ama siyang magmamahal sa kanya. Sebastian Eli Sarmiento, isang mailap na CEO ng isang kompanya. Buong buhay nito ay gusto nitong makahanap ng babaeng magpaparamdam sa kanya ng tinatawag na pagmamahal. Paano kung biglang malaman ni Zariah na ikakasal siya sa taong dapat papakasalan ng kanyang kapatid sa ama? Paano kung kailangan niyang hiwalayan ang taong mahal niya para sa isang kasunduan? Ano kayang magiging buhay ni Zariah pagkatapos malaman na ang taong papakasalan niya ay isang mahirap at taga probinsya? Paano kung sa oras na nasanay na siya sa bagong buhay ay may malaman siyang isang katotohanan na babago sa buhay niya? Maramdaman kaya ni Sebastian ang pagmamahal na nais niyang maramdaman sa kanyang magiging asawa?
Romance
9.9112.3K viewsจบแล้ว
อ่านรีวิว (24)
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
cas_airen
meron na po akong bagong story, please support my new story. Isasali ko po siya sa contest dito sa goodnovel. kung isa ka po sa nagustuhan ang ilang story ko rito sa goodnovel, sigurado rin po na magugustuhan niyo ang "Breach Of Trust"
lobidi
Grabe miss A nakakakilig doon sa bandang pagkabit ng dekorasyon. Kailangan pala by partner ang paglagay ng dokorasyon kaya pala kapag ako and nagdedekorate tinatamad ako hahaha. Btw ang ganda Miss A. Kailan Update?
อ่านรีวิวทั้งหมด
The CEO'S RENTED WIFE

The CEO'S RENTED WIFE

chantal
Naudlot ang mga pangarap ni Laura Anderson dahil mas pinili ng kanyang mga magulang na unahin ang pag-aaral ng kanyang nakatatandang kapatid sa Amerika. Gayunpaman, sa gitna ng kawalan ng pag-asa na ito, nakilala ni Laura si Mark Santivaniez at nagpalipas ng isang mainit na gabi sa kanya. Hindi ito tumigil doon, hiniling ng mayamang CEO kay Laura na maging isang inuupahang manliligaw sa isang tiyak na tagal ng panahon. So, anong gagawin ni Laura? Tsaka nung nalaman niyang si Mark ay pinipilit na magpakasal ng mabilis at isang...biyudo!
Romance
2.9K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
RED ROSES: ALTHEA (Book #2)

RED ROSES: ALTHEA (Book #2)

Paalala: Ang kuwentong ito ay isang kathang-isip lamang. Anuman ang inyong mababasa ay huwag tularan. Panimula: Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang araw, napilitan siyang magtungo sa police station dahil nasangkot ang kanyang kapatid sa isang gulo sa bar. Doon, isang babaeng pulis ang umagaw ng kanyang atensyon. S'ya si Kurt John McCain, isang multi-billionaire na business tycoon, ay kilala hindi lang sa kanyang yaman kundi pati sa kanyang nakamamanghang hitsura—matangkad, makisig, at ang kanyang ngiti ay sapat na para mawalan ng ulirat ang sinumang babae. Ngunit para sa kanya, ang mga babae ay walang iba kundi panandaliang libangan. Walang puwang ang seryosong relasyon sa kanyang abala at marangyang buhay. Para sa kanya, ang mga ito ay parang laro lamang—walang emosyon, walang komplikasyon. Ang lahat ay laro lamang. Si SPO 3 -Althea Perez, isang dedikadong policewoman, ay hindi lang mahusay sa kanyang tungkulin kundi kilala rin sa kanyang kagandahan, kaseksihan, at kabutihang-loob. Ngunit sa kabila ng pagiging pulis, marunong din siyang magpatawa at makibagay. Lihim niyang binabalanse ang buhay sa pamamagitan ng pagraraket sa palengke upang suportahan ang kanyang pamilya. Bagamat maamo ang kanyang hitsura, huwag kang magkakamali—hindi siya aatras sa sinumang nagtatangkang umabuso sa kanyang prinsipyo. Isang araw, nasapak niya ang isang mayabang na lalaki na nagdulot ng kanyang pagkawala ng malay. Ang mayabang na lalaki? Walang iba kundi si Kurt. Ano ang kahihinatnan ng pagtatagpo ng dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo? Paano mababago ng isang policewoman ang buhay ng isang businessman na walang pakialam sa pag-ibig? Abangan ang kwento ng dalawang magkaibang katauhan na pinagbuklod ng kapalaran.
Romance
101.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
For the Love of Rafael

For the Love of Rafael

Re-Ya
Papangarapin mo ba ang isang bituin sa langit, kung ikaw ay isang hamak na maglulupa lamang? Si Rada Buenavista - ang bratinelang heredera. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - Rafael Samaniego. Saan hahantong ang isang pagtatagpo na babalutin ng samut-saring lihim? Handa ba sila sa isang katotohanan na magsasadlak sa kanila sa lusak ng poot at galit? At magdadala sa kanila sa labis na kabiguan at kapighatian. Saan sila dadalhin ng kanilang katatagan? Kung ang pinaghuhugutan nila ng lakas ang sa kanila'y siya ring dudurog at wawasak.
Romance
1.9K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
His Secretary, His Sin

His Secretary, His Sin

Matapos ang isang masakit na hiwalayan nila ng ex-boyfriend niya ay pinili ni Janella Villanueva na magsimula muli. Ang pagiging secretary sa isang malaking kompanya ang naging daan niya para muling buuin ang sarili—malayo sa nakaraan at tuluyang makalimot. Tahimik at kontento na siya hanggang sa dumating ang isang gabing hindi niya inaasahan. Isang gabing puno ng alak at emosyon ang nagtulak sa kanya sa mga bisig ng isang estranghero. Isang gabing mapusok na dapat sana’y manatiling lihim. Ngunit kinabukasan, sa loob mismo ng opisina, doon niya natuklasan ang katotohanan na ang lalaking iyon ay si Dominic Alcantara, ang bago niyang CEO. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, makapangyarihan, at sabi pa ng iba ay isa daw itong playboy. At lalaking mahilig maglaro sa apoy. Ngayon, araw-araw silang magkasama. At habang pilit niyang pinoprotektahan ang puso niya, mas lalo namang lumalalim ang koneksyon sa pagitan nila. Pero may isang lihim na hindi niya kayang itago magpakailanman, ang bunga ng gabing iyon na maaaring magpabago sa lahat.
Romance
10305 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Mr. Noi
Si William Styles, isang tipikal na cute na binatilyo ay namumuhay ng payapa at normal na buhay gaya ng iba hanggang sa isang insidente ang nagpasindak sa kanyang buong pagkatao. Sa hindi inaasahang pagbabagong ito sa kanyang buhay, nakahanap siya ng bagong tahanan, mga kaibigan, at isang usbong ng pag-ibig sa grupo ng mga taong lobo na may dilaw na mata. Pangil sa pangil at kuko sa kuko ay kung paano nila labanan ang kanilang mga kaaway, ang mga taong lobo na may pulang mata. Isang gabi, isang nakakatakot na pangyayari ang naganap. Umagos ang sariwang dugo sa bundok at nagkalat ang mga bangkay sa kagubatan. Magagawa ba nilang ipaghiganti at protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng pulang buwan?
Other
101.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
Romance
204 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair

Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair

Si Anton Almonte ay isang tagapagmana na rebelde, saksakan ng yabang, at masungit. Ang tingin niya sa lahat ng bagay, maging sa tao ay bayarang pwedeng pwede niyang presyuhan. Pero isang aksidente ang magtatakda ng hangganan ng kanyang kayabangan at magpapaikot ng kanyang mundo lalo na at makikilala niya si Amara Samarin,isang ordinaryong dalaga na mamamasukan bilang kanyang personal maid.Ngunit hindi niya alam na konontrta ala ng kayang lola. Ang kanilang pagtatagpo ay magdudukot ng anghang at tamis sa mansion ng mga Almonte.
Romance
102.2K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Badass Fraternity Lord

The Badass Fraternity Lord

Dala ng kahangalan ay napunta si Odette sa isang masamang sitwasyon. Nagpagalaw siya sa isang hindi kilalang lalaki, na matapos ang gabing iyon ay nawala na parang isang bula Hinarap niya mag-isa ang lahat ng galit ng kanyang lola at tiyahin, pero pinatunayan niyang kaya niyang ibangon ang sarili. Odette will graduate with flying colors, taking up BS Marine Transportation, kaisa-isang babae sa kanilang block. Sa pagtungtong niya sa kanyang OJT para maabot ang pangarap, dumating ang isang Presidente na kinababaliwan ng lahat, si Helios, ang bagong may-ari ng University na kanyang pinapasukan, isang bilyonaryong may-ari ng sikat na Transverse cruise ships, sa ilalim ng kumpanyang Royal Cervantes Inc She knows nothing about him except for being rich and honorable, but what if he was the fraternity lord who was one of those men who dishonored her that night?
Romance
1049.7K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
105.9K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
1920212223
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status