My Love From The Past
Tanong nito sa akin.
Napakamot ako ng noo. Oo nga pala, spanish ang karaniwang gamit sa panahong ito. Paano naman ako magbibilang nun? Uno, dos, tres lang ang alam ko. Kapag sinasabihan ako ng tindera ng setenta tres, automatic na nag-malfunction ang utak ko.
"Tinuruan po siya ng inyong Tia Palma." Sagot ni Perlita dahilan para makahinga kami ng maluwag. Buti nalang mabilis mag-isip ang isang ito.