Sweetest Love
Lalo pa nang lumapit sa gitna si Josh at iniabot ng lalaking nagsalita ang mic kay Josh.
“Magandang gabi po sa ating lahat. Maraming salamat po sa pagpunta ngayong gabi. Sa lahat po ng kaibigan at business partners ng aking parents, sa aming mga kamag-anak, sa aking mga kaibigan, at buong pamilya, maraming salamat po,” saad ni Josh saka ito sumulyap sa akin. “And thank you of course, to my special someone, for being here with me tonight,” aniya na siyang nagbigay ng kiliti sa aking puso. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kilig na naramdaman ko. “Maraming salamat po sa inyong lahat. Please enjoy the rest of the night!”
Muli ay malakas na palakpakan ang ibinigay ng lahat.
ตอนยอดนิยม