The Billionaire's Weakness, Calliste
Lumipat na rin ako sa bahay nila ni Tito Savion, ngunit nagbigay daan muna silang dalawa para magkaroon daw ako ng privacy kahit okay lang naman talaga na kasama ko sila sana, ngunit pinili na lang din nilang lumipat sa isa pa nilang rest house.
Itong bahay na ito ay kay Tita Zarina, malaki rin may apat na kwarto, may malaking sala at may dalawang kusina, ang isa ay nasa loob ng bahay at ang isa naman ay nasa labas, na kung tawagin nila ay dirty kitchen.
Gusto ko sanang bumangon ngunit parang hinihila pa rin ako ng higaan. Ilang araw na rin ako ganito na parang tamad na tamad kung kailan naman ako pumapasok na ulit sa Lions University.
Bab Populer