A Night With the Wrong Man
Nang nasa reception na kami, halos hindi na kami makapag-usap dahil sa dami ng mga tao na maya't maya lumalapit upang bumati sa amin.
Napatingin ako sa gawi nina Kuya at iba pa nilang mga kaibigan. Tahimik pa din si Lance. Umiinom siya. At hindi ko din makita ang kaniyang bugaw na girlfriend kasama na ang mga bugaw nito. Bakit wala siya dito, e, makapal pa man din ang mukha n'on?
"Let's dance," aya sa akin ni Bjorn.
Last dance na namin 'to, matatapos na ang programa, I'm so tired already. Pangatlong palit ko na nga din 'to ng damit dahil mahaba ang second gown ko kanina, nabibigatan ako at hirap kumilos.