Agam ng Kahapon
Sandali Sa Iba Pang Mga Sandali
MAGDIDILIM na nang siya'y makabalik sa kanilang tahanan, sumasabog sa kalangitan ang kahel na siyang tuluyang sumasakop sa patulog nang liwanag nang araw na iyon. Katulad ng dati, tahimik niyang binuksan ang kinakalawang na tarangkahan. Sa sobrang kalumaan nito ay di maiwasang makalikha ng ingay habang binubuksan, ngunit maingat pa rin niyang ginalaw ito at isinara pagkatapos. Sa loob ng kanilang tambalan mapapansin ang napag-iwanang garahe, nagtatayugang mga ligaw na damo at halata ang kalumaan ng bahay, tinatawag ito ng mga taga-roon na bahay ng kastila.
Hot Chapters