Ang Lihim ni Pukangkang
“Oo nga pala, nag-uusap usap sila doon sa bahay niyo tungkol sa pagshishare share sa fiesta ah? Napag-usapan niyo na ba ni Lola kung magkano ang iaambag niyo?”
Bahagya ko siyang siniko, “Sus! Iniiba ang usapan!”
“Hahaha! Hindi! Seryoso nga kasi! Balita ko nagpakitang gilas na naman si Apung Tali, nagpadala daw ng sampung libo ang anak niya sa abroad para iambag sa Fiesta.”
Kaagad akong napangiwi, “Naku, mga limang taon na naman niyang ipagmamalaki iyan.”