The Billionaire's Temptation
Akala ko hindi na namin ipagpapatuloy ang usapan dahil nakarating na kami pero mukhang trip ni Kuyang makinig sa walang kwenta kong kwento.
"Nagpabida lang naman siya Kuya, wala pa nagang naituro sa amin nagpa-quiz agad. Ang feeling niya pa, napaka strikto, konting galaw lang nilalapitan agad. Akala mo naman hindi siya naka-try mangopya noon. Panay pa ang tingin sa papel ko anong akala niya sa akin, bobo? Wow, siguro kung nagkataong magkakalase kami, tiyak ako siya ang mangongopya sa akin. Feeling niya!"