The Billionaire Thought I'd Never Leave
“Kuya ko… bakit tila malungkot ka? Mayroon bang nangyari?”
Umupo ito sa kanyang tabi, inilapat ang maliliit na daliri upang punasan ang kanyang luha. Naramdaman ni Rafael ang bigat ng kalooban na tila sasabog. Akma niyang iaabot ang kanyang mga bisig upang yakapin din ang bata — ngunit sa sandaling iyon, unti-unting naglaho ang anino. Wala siyang nahawakan. Walang laman ang kanyang mga bisig, at kasabay nito ay tila nawalan din ng laman ang kanyang puso. Parang may napakahalagang bagay na nawala ngunit hindi niya matukoy kung ano. Ang ganyang uri ng kawalan at sakit ang pinakamahirap tiisin. Kaya’t sa huli, hindi na niya namalayan na naparami na pala ang kanyang nalagok na mapait na alak. Um