One Night Stand with a Stranger
"Yeah, I agree, love. Ang perfect pa ng weather. Akala ko kasi nagyeyelo na dito, pero nung makababa tayo sa airport, parang normal lang pala. Sakto lang yung lamig."
Napatawa ako bigla nang maalala ko ang reaksyon ng mga bata kanina. Excited na excited silang makakita ng snow, pero nang malaman nilang Nobyembre pa ang simula ng winter season, labis silang nadismaya.
Ngayon, habang naglalakad kami, napansin kong nakasimangot ang mga anak namin. Alam kong naaalala pa rin nila ang tungkol sa snow.