One Night Stand with a Stranger
Ilang segundo siyang nanatiling tahimik, parang dinadama ang sandali.
"Syempre, ang wish ko ay maging maayos ang buhay ninyong lahat. Good health para sa ating pamilya, at sana'y patuloy tayong gabayan para mas humaba pa ang ating pagsasama. Siyempre, ang isa pa sa pinakaimportanteng hiling ko ay maging matagumpay ang kasal mo ngayon, anak. At sana, matapos din ng kapatid mong si Faith ang kanyang pag-aaral. Ayun lang..." Naputol ang kanyang salita nang tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha.
Matapos niyang mag-wish, huminga siya ng malalim at pinatay ang kandila.