THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE
Sa tabi nito, may stage kung saan tumutugtog ang isang acoustic band ng mga love songs — mga kantang bagay sa mood ng pag-iisang dibdib.
Hawak ko pa rin ang kamay ni Kara habang nilalapitan kami ng mga bisitang bumabati.
“Pare, congrats ha! Third time’s the charm talaga!” biro ni Richard sabay tawa.
Ngumiti ako at kumindat sa kanya. “Oo pare, at last! ‘Di na ‘to bibitawan, kahit iligaw pa ng universe.”
Tumawa si Kara habang nakayakap sa braso ko. Kita sa mukha niya ang kasiyahan. Wala na ang pagod, ang mga luha, ang sakit — pinalitan na ng kapayapaan.
ตอนยอดนิยม