AT FIRST GLANCE
Ni hindi ako nag-sorry.
Pero alam mo bang iisa lang ang napatunayan ko? Hindi ko pala kaya. Kagabi, habang nakahiga ako, ikaw lang ang laman ng isip ko. Nginatngat ako ng konsensya. Nasasaktan ako, Luke. Hindi ko pala kayang mawala ka. Ang katigasan ng puso ko, ako rin ang nagdusa ngayon. Saka ko lang naisip na mahal na pala kita, Luke. Mahal na mahal kita.
Ang tanga ko, 'no? Ngayon ko lang naamin. Ang tigas-tigas ko kasi, at hindi ko ini-expect na mapatawad mo ako. Sorry, Luke. Sorry.
Hot Chapters