Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
View MoreMainit ang paligid. Namumuo ang pawis sa noo ni Megan habang mahigpit niyang yakap ang sarili, giniginaw sa kabila ng init. Tumitibok ang ulo niya sa sakit, tila bawat pintig ay may kasamang hampas ng martilyo. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit iniaangat ang sarili mula sa manipis at sirang kutson sa sulok ng barong-barong nilang tahanan.
Masakit ang kanyang bawat pag galaw. Parang binubunot ang kanyang mga buto habang pinipilit niyang bumangon. Ngunit hindi siya pwedeng magpahinga. Hindi ngayon. “Kailangan kong magluto...” bulong niya sa sarili, pilit na tinatabunan ang hapdi sa lalamunan at ang pagod sa katawan. Sa dami ng pinagdaanang lagnat, gutom, at pagod, sanay na siya. Pero iba ang sakit na ito—malamig, mabigat, tila may tangan na pasaning hindi lang pisikal kundi pati emosyonal. Dahan-dahan siyang lumakad papuntang kusina, sumasandal sa maruruming pader na tila ano mang oras ay bibigay na rin. Binuksan niya ang kaldero, hinugasan ang isang pirasong bangus na natira pa mula kahapon, at inilabas ang ilang pirasong kamatis, mustasa, at sibuyas. Habang pinapakulo ang tubig, napaupo siya saglit sa sira-sirang bangko, pilit na hinihigop ang lakas mula sa katahimikan. Pero hindi ito nagtagal. BLAG! Nagbukas ang pintuan nang malakas, kasunod ang marahas na yabag. Bumungad ang ina niyang si Aling Tere, naka-palda ng maikli at lasing ang aura at may bitbit na bote ng alak kahit dis-oras pa lang ng umaga. “Anong niluluto mo d’yan?” singhal nito, sabay silip sa kumukulong sabaw. “Si... sinigang na isda po,” sagot ni Megan, na mahinang-mahina ang boses. “Isda nanaman? Wala ka bang matinong iluluto? Gusto ko ng karne!” sigaw ng ina, sabay hampas ng bote sa mesa. “Pasensiya na po, ‘Nay… wala na po tayong pambili. Eto lang po ang meron *cough* *cough*,” mahinahong sagot ni Megan habang nakayuko. Lumapit si Aling Tere, mabigat ang hakbang, lasing na lasing ito. Tumingin ito kay Megan na para bang isang basura lang ang kaharap. “Wala na naman tayong pera? Eh ‘yung iniipon mo para sa bayarin sa eskwela? Bigay mo na!” “W-wala na rin po ‘yon… nagamit ko na po pambili ng gamot. Sumasakit na po kasi ang dibdib ko... at—” PAK! Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Megan. Napaluhod siya sa sahig, nanginginig at namumugto ang mata, at napahawak sa pisnging ngayon ay namamaga na. “Sinasagot-sagot mo pa ako? Niloloko mo ba ako? Akala mo ba hindi ko alam na iniipon mo ‘yang pera mo para sa sarili mo? Ako ang nanay mo! May karapatan ako sa lahat ng meron ka!” Hindi nagsalita si Megan. Hindi na rin siya umiyak. Sanay na siya. Mas masakit pa ang gutom kaysa sa pisikal na sakit. Pero ngayon, magkasabay ang dalawa. “Wala kang kwenta. Ni hindi man lang kita kayang ipagmalaki. Ang pangit-pangit mong bata. Mahina. Lampa. Walang silbi.” Sunod-sunod ang salita ni Aling Tere—mapanira, mapanakit, malupit. Tila bawat letra ay pako sa dibdib ni Megan. “Alam mo kung anong bagay sa’yo?” tanong ng ina, habang pinupunasan ang ilong sa likod ng palad. “Ibenta ka.” Natigilan si Megan. “Po?” “Oo. Ibebenta nalang kita. Tutal wala ka `rin namang silbi rito. Wala kang pera, wala kang ambag. Baka sakaling ‘ may makagusto riyan sa katawan mong mahina at mukhang kawawa at may bumili sa’yo. At least, may pakinabang ka!” Napatingin si Megan sa ina. Hindi niya alam kung biro iyon o hindi. Pero kilala niya si Aling Tere, hindi ito nagbibiro sa ganitong usapan. Kinabukasan, dinala siya ng ina sa isang lumang bodega sa labas ng lungsod. Madilim, malangsa ang hangin, at puno ng mga lalaking naka-itim, may hawak na tablet, pera, at papel. Ang auction ay tahimik ngunit puno ng tensyon. Mga matang gutom, malamig, at mapanghusga ang nakatuon sa kanya habang siya’y pinipilit patayuin sa gitna ng entablado. Naka-damit siya ng manipis na tela. Hubog ang katawan, saka tinakpan ng make up ang mga pasa niya sa katawan. Nanginginig siya sa lamig, at nanlalambot pa rin mula sa lagnat na hindi na niya maalala kung kelan nagsimula. Samantalang sa tabi ng stage, nandoon ang ina niya na may malaking ngiti, parang nanalo ng jackpot sa loto. “Susunod isang inosente, bente anyos, marunong magluto, masipag, walang bisyo.” Nagsimula na ang auctioneer sa pag benta sa kaniya . “Simula tayo sa limang milyon.” Nagsimula ang ingay ng bid. “Limang milyon.” “Sampung milyon.” “Labinlimang milyon.” “Tatlumpong milyon.” Lumalaki ng lumaki ang halaga, ngunit hindi niya maramdaman ang halaga niya. Para siyang nawawala sa sarili. Umiikot ang paligid, nanlalamig ang mga kamay. Hanggang may isang tinig na malamig, kalmado, at tila kayang pahintuin ang mundo, ang sumigaw “Isang daang bilyon. Para sa kanya.” Natahimik ang lahat. Lahat ng mata’y lumingon sa dulo ng silid. Isang lalaki ang tumayo mula sa anino—matangkad, may suot na itim na suit, at ang mga matang kasing lalim ng gabi. Tumingin ito kay Megan, hindi na para i-verify ang binili, kundi para tukuyin kung kaya niya itong angkinin. Ang bid ay tinanggap. Tinalo ng halagang iyon ang lahat ng naroon. Habang lumalapit ang mga tauhan para kunin siya, narinig niya ang tawa ng kanyang ina, hawak-hawak ang sobre ng pera. "Ayan, may silbi ka rin pala," bulong nito bago siya binitiwan nang tuluyan sa kamay ng mga estranghero. At sa gabing iyon, hindi na niya alam kung mas masakit ang katawan, ang puso, o ang pagkatao niyang sinira mismo ng kaniyang Ina. Ngunit sa lahat ng 'yon ay nagawa parin niyang ngumiti. "Ang importante napasaya ko si Inay,"Tahimik. Walang ibang maririnig kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang tiktak ng orasan sa pader. Ngunit para kay Megan, ang pinakamatunog sa lahat ay ang mabilis na tibok ng puso niya. Parang gusto nitong kumawala mula sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Hindi siya makagalaw. Naka-upo siya sa gilid ng kama, habang si Lucien ay dahan-dahang isiniksik ang sarili sa katawan niya at niyakap. Mahigpit ngunit marahan siya nitong niyakap, walang puwersa, walang panggigipit. Isang yakap na tila ba nangungusap, na pagod ito, na kailangan lang nito ng katahimikan, ng pahinga, at ng isang taong hindi manghuhusga, at handang damaya siya sa mga ganitong pag kakataon. Ramdam ni Megan ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. Magsasalita sana siya, ngunit parang natuyuan ng laway ang kanyang lalamunan. Wala siyang lakas. Lahat ng lakas niya kanina ay naubos na sa paglalaba, paglilinis, at pag-aayos. At ngayon… nauubos na naman siya sa kakaibang emosyon na pilit niyang nilalabanan.
Matapos maligo at mag ayos ay mabilis na nag linis si Megan sa silid ni Lucien, winalisan niya ito, minop, pinunasan ang lamesa, upuan, shelves, libro, bintana, at ang iba pang bagay roon, pinagpag niya rin ang malaking kama nito at pinalitan ng kobre ang kama, pinalitang ng punda ang mga unan, ang mga kurtina ng malaking bintana, inilagay niya na rin sa laundry room ang mga nasa laundry basket ng binata saka siya saglit na nahiga sa kama dahil sa pagod. Nagisijg na lang siya ng makaradam ng malambot na bagay sa kanyang labi. Mabilis siyang bumangon mula sa pag kakahiga at agad na inilibot ang tingin, dumako iyon sa pintuan ng kwarto kung saan mukhang kapapasok lang nang nakatayong si Lucien.Natatarantang tumayo siya at inayos ang nagusot na kobre ng kama. "Nako pasensya na ho naka tulog ako rito sa kwarto niyo, hindi ko ho sinasadya, lahat ho gagawin ko huwag niyo lamang ho akong parusahan." Kinakabahang aniya ni Megan habang patuloy na pinaplansa ang kama gamit ang kanyang kamay up
hindi siya nagrereklamo. Hindi siya umiyak sa harapan ng mga ito kahit na pinagtatawanan nila siya at kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha niya. Hindi siya pu-pwedeng umiyak o sumumangot, wala siyang karapatang magalit, kailangan niyang ngumiti, kailangan palaging may ngiti sa kanyang labi. Kahit na masakit ang pwetan, mga gasgas, at basang-basa si Megan pinilit niyang tumayo at muling sinimulan ang pag lilinis ang sahig na basang-basa, matapos ay naglalampaso ng hagdan, matapos iyon ay saka pa lamang siya naka alis sa lugar na iyon. Pag pasok na pag pasok niya sa janitors room, kung saan nila inilalagay ang mga gamit pang linis ay saka palamang niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigil."Ti-tig-nan *sob* m-o Me-gan o-oh a-ang du-dumi-du-mi *sob* mo-mo n-a, *sob* hin-hi-ndi ka ka-kasi na-g i-ing-at e-eh. *sob." Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig ay kasunod ng mga hindi mapigil na pag hikbi, marahan niyang hinaplos ang kaiyang dibdib na nag sisimula nanamang mana
Tahimik ang mga araw na lumipas sa loob ng malaking bahay. Simula nang maging abala si Lucien ilang gabi na ang nakalilipas, tila mas lumamig pa ang paligid. Wala siyang alam kung bakit bigla na lang itong hindi nagpapakita. Pero hindi iyon tinanong ni Megan. Wala siyang karapatang magtanong. Isa lang siyang tagalinis. Isa lang siyang binili upang utusan hangang sa malaman daw ni Lucien kung karapat-dapat ba siya sa isang bagay na hindi rin naman niya alam kung ano.Araw-araw, tinatanggap niya ang schedule na iniiwan ni Manang Nelda sa ibabaw ng mesa sa kusina. Maayos na nakasulat sa papel, may petsa, may oras, may mga tungkuling kailangan niyang gampanan. Maaga siyang gumigising para matapos ang lahat bago magtanghali, dahil hindi niya alam kung kailan darating si Lucien. Minsan madaling-araw, minsan gabi, minsan hindi talaga siya dumarating. May usap-usapan ang mga katulong na baka raw may nobya na ang kanilang amo kaya raw hindi na madalas napaparito, baka raw doon na sa bahay ng b
Sa bawat hakbang ni Lucien palayo, parang kasabay din niyon ang unti-unting pagbalik ng hangin sa baga ni Megan. Hindi siya napagalitan. Isa iyong tagumpay sa kanya. Medyo oa man pero napakalaking halaga na niyon sa kanya. Dahil sa mundo na kinalakihan niya, ang isang araw na walang sigaw, walang pananakit, ay isa nang himala. Hindi niya alam kung ano ang tingin sa kanya ni Lucien. Malamang wala. Isa lamang siyang bahagi ng utos, isang kagamitan sa mansyon na binili nang Señorito. Hindi niya makalimutan ang malamig na tingin nito noong araw ng auction. Habang ang ibang mayayaman ay tumatawa at namimili na parang nasa palengke ng tao, si Lucien ay tahimik lamang. Na nakatayo, seryoso, wala siyang emosyon. Hanggang sa iangat nito ang kamay at ipako ang halagang hindi na nasundan ng iba.Pagkatapos niyon, hindi na siya muling tinapunan ng tingin. At simula noon, tinanggap na ni Megan ang kanyang bagong kapalaran, isang malaking bahay na tahimik pero puno ng malamig na anino. Parang bawat
Isa siyang tulad ng mga bulaklak sa hallway na lilinisin niya mamaya. Hindi man pinansin sa umpisa, pero may taglay na ganda. At kapag napunasan ang alikabok, masisilayan rin. Dahil minsan, ang mga taong tahimik… ay silang may pinakamatitinding kwento. At ang mga kagaya ni Megan—iyong laging nakayuko, laging nakangiti, laging sumusunod—sila ang pinaka-marupok sa tingin ng iba. Pero sa totoo lang, sila ang may pinakamatibay na likod. Dahil araw-araw, binubuhat nila ang bigat ng hindi pagmamahal. Ngayon, panibagong araw na naman. At kahit walang bumati sa kanya ng “Magandang umaga,” ngumiti pa rin siya. Kasi sa dami ng sakit na dinanas niya, natutunan niyang ang ngiti ay pwedeng maging sandata. At kung ang ngiti niya ang tanging bagay na hindi pa niya nakikitang sinisira ng mundo… ayaw niyang mawala pa iyon. Hindi niya sinayang ang oras. Alam niyang hindi siya narito para magpahinga, kaya’t agad niyang kinuha ang papel na naglalaman ng kanyang schedule at tumuloy sa unang gaw
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments