Sa halos walong taong pagsasama ni Henry at Estelle ay walang pag-ibig na nabuo sa pagitan nila dahil isa lamang iyong kasunduan, ngunit sa kabila nito ay minahal niya si Henry kahit na kinamumuhian siya nito at hindi itrinato bilang asawa. Ginawa niya ang lahat ng utos ng lolo ni Henry lalo na ang suhestiyon nito na pasukin niya ito sa sarili nitong silid at sa isang beses na iyon ay nabuo ang nag-iisang anak niya na si Mia. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil sa dami ng tao na magkakaroon ng karamdaman ay ang anak niya pa talaga. Dahil sa pasirang relasyon at nasa kalagitnaan ng paghihiwalay, hiniling niya kay Henry na magpakaama kay Mia sa loob ng isang buwan. Ayaw man nito ay pumayag din ito sa wakas sa ngalan ng pagiging madali niya sa pagpirma ng kanilang kasunduan para mapakasalan na ang kaniyang unang pag-ibig na si Gwen. Kaya lang ay namatay ang anak niya ng dahil kay Henry. Nang malaman nito ang totoo tungkol sa sakit ng anak niya ay pilit itong nagmamakaawa na patawarin niya ngunit paano niya iyon gagawin kung sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay maaalala niya ang sinapit ni Mia. Mapalambot pa kayang muli ni Henry ang naging bato nang puso ni Estelle?
View More“Hindi niyo po ba alam na hereditary ang sakit ng anak ninyo? Sad to say misis pero isang buwan na lang ang itatagal niya rito sa mundo.”
Halos gumuho ang mundo ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ng doktor sa kaniya. Kung tama ang pagkakaalala niya ay sa parehong sakit din namatay ang kanyang ina. Nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at biglang nanginig ang buong katawan niya. Isinara niya ang pinto at pasuray-suray na naglakad patungo sa kama kung nasaan nakahiga ang anak niya. “May problema po ba Mommy?” tanong sa kaniya ng anak niya na may nag-aalalang tinig. Napatitig ng wala sa oras si Estelle sa napakaputlang mukha ng anak, punong-puno ng guilt ang kanyang mga mata. Wala siyang magawa kundi ang mapakagat-labi na lang ng wala sa oras. “Kung may nagawa man akong mali Mommy ay pasensya ka na.” sabi nito at pagkatapos ay nagpaskil ng isang mahinang ngiti sa mga labi nito. Pakiramdam ni Estelle ng mga oras na iyon ay biglang nadurog ang puso niya lalo pa at muli na namang sumagi sa isipan niya ang kasasabi lang ng doktor kanina na hindi na magtatagal pa ang buhay ng nag-iisa niyang anak. Wala na siyang natitira pang kapamilya at ang pagsasama nilang mag-asawa ay patapos na dahil isa lamang iyong kontrata. Tanging ang anak niya lang ang pinaka-dahilan na lang niya para mabuhay. Pilit niyang pinigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Umiling siya. “Wala namang problema anak, masaya lang ako dahil malapit ka ng gumaling.” isang mapaklang ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang mga labi. Agad na nagliwanag ang mga mata ng kanyang anak na si Mia na pitong taong gulang na ng araw na iyon. “Talaga Mommy?” masayang tanong nito sa kaniya. “Pupunta ba ngayon dito si Daddy para bisitahin ako?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya. Habang nakatitig siya sa maiitim na mga mata nito at puno ng pag-asa ay mas lalo lang kumikirot ang puso niya. Napakagatlabi siyang muli at halos hindi na mapigilan pa ang pagpatak ng kanyang luha. “Oo naman anak. Ipinapangako ko sayo na kung hindi man ngayong araw, sa mga susunod na araw ay palagi mong makakasama ang Daddy mo.” sabi niya at hinaplos ang buhok nito. “Talaga?” excited na tanong nito sa kaniya na ikinatango niya lang naman at niyakap niya ito ng mahigpit at napapikit ng mariin. Alam niya na sa murang edad ng kanyang anak ay hindi pa nito mauunawaan ng lubusan ang mga bagay-bagay. Isa pa ay ayaw niyang malaman nito ang totoong relasyon nila ng ama nito, ang tanging gusto niya lang ay maipakita rito na normal ang kanilang pamilya at alam niya na wala itong ibang hinangad kundi ang pagmamahal ng isang ama ngunit alam niya sa sarili niya na napaka-imposible iyon dahil ang kanyang asawa ay walang kaamor-amor sa anak niya kahit na sarili nitong laman at dugo iyon. Niyakap naman siya nito pabalik at pagkatapos ay pinatulog na. Natulog din naman ito kaagad at nang makita niyang mahimbing na itong natutulog ay tumayo siya at tinawagan ang secretary ng kanyang asawa. Nang marinig niyang sinagot nito ang tawag ay huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Nasaan si Henry?” tanong niya kaagad dito. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago ito nagsalita. “Nagce-celebrate po sila ngayon ng birthday ni Miss Gwen. kung gusto niyo po siyang makausap ay pwede po siya bukas.” sabi nito sa kaniya. Agad na nanuyo ang lalamunan ni Estelle nang marinig niya ang pangalan ng babaeng iyon. Humigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone ng wala sa oras. “Sabihin mo sa kaniya na hindi na makakapaghintay pa bukas ang sasabihin ko sa kaniya.” mariing wika niya rito at pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na niyang ibinaba ang tawag. Makalipas lang ang sampung minuto ay muli siyang nakatanggap ng tawag mula sa secretary nito ay ibinigay nito ang address kung saan niya matatagpuan si Henry. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at iniwan niya muna sandali ang kanyang anak para puntahan ito. Pagdating niya sa hotel ay nakaabang na sa baba ang secretary ng kanyang asawa na si Liam. Dinala siya nito sa isang silid at nang bahagya niyang buksan ang pinto ay bumungad na kaagad sa kaniya ang tinig na mula sa loob. “Kuya Henry, sabihin mo na ngayon kay ate ang totoo. Sa loob ng ilang taong pagsasama ninyo ng asawa mo at kahit na nagkaroon pa kayo ng anak ay wala ka ba talagang naramdaman man lang para sa kaniya?” Agad na namutla ang mukha ni Estelle nang marinig niya ang tanong nito. Halos natigilan siya at hindi makagalaw. “Sa tingin mo ba ay magugutsuhan ko ang babaeng katulad ng babaeng iyon? At pagdating naman sa batang iyon, ni hindi ko nga sigurado kung anak ko ba talaga siya.” sagot ni Henry. Pakiramdam niya ay daan-daang piraso ng karayom ang tumusok sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito. Noon pa man ay tanggap na niyang kinasusuklaman talaga siya ni Henry ngunit ang pagdadalawang isip nito sa kanyang anak ay hindi niya lubos na matatanggap. Binuksan niya ang pinto at kitang-kita niya ang pagguhit ng matinding pagkagulat sa mukha ng mga taong nasa loob. Agad na nanlamig ang mga mata ng mga ito nang makita nila siyang nakatayo sa pinto. Nakita niya na nakaupo sa gitna ng sofa ang akniyang asawa at sa tabi nito ay nakaupo rin si Gwen ang babaeng pinakamamahal nito. Nang makita siya nito Gwen ay halatang hindi ito masaya ngunit pinagtakpan nito iyon ng matinding pagkagulat. “Estelle?” gulat na sambit nito at pagkatapos ay nilingon si Henry. “Wala kang sinabi na pupunta siya rito.” sabi nito. Alam niya na alam nito na nasa proseso na sila ng paghihiwalay ni Henry. Agad naman na nanlamig ang mukha ni Henry at tumitig sa kaniya. “Lumabas muna kayo.” malamig na sabi nito at tinanggal ang mga kamay ni Gwen na nakapalupot sa braso nito. Agad naman na nagbago ang mukha ni Gwen ng wala sa oras. Halatang ayaw nitong lumabas at umalis sa tabi ni Henry. Bakit nga ba naman kasi nito gugustuhing umalis sa tabi ng kanyang asawa e alam nito na hindi naman siya mahal ni Henry. Malakas din ang loob nito dahil alam nito na siya ang mahal ni Henry. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay at sinalubong ang mga malalamig na mga mata nito. “Hindi na kailangan. Wala naman ng dahilan para itago pa sa kaniya ang lahat ng tungkol sa ating dalawa lalo na at alam kong alam naman niya.” sabi niya. Kung siya si Estelle walong taon na ang nakakaraan ay tiyak na hinding-hindi niya magagawang sabihin ang mga salitang iyon dahil wala siyang lakas ng loob idagdag pa na mahal na mahal niya si Henry noon, ngunit wala na iyon sa kaniya. Ang tanging pinaka-mahalaga na lang sa ngayon ay ang anak niya. Tinanggal na kanina ni Henry ang kamay ni Gwen sa braso nito ngunit sa pagkakataong iyon ay muli na naman nitong ipinulupot iyon sa braso ng kanyang asawa. Halata sa mga mata nito na hindi ito masaya. Malamig na tiningnan siya ni Henry. “Anong ipinunta mo rito? May naisip ka na bang hingin sa akin?” tanong nito. Ang mga madilim na mga mata ni Estelle ay napatitig dito. Lumunok siya. “Isa lang ang gusto ko.” ibinitin niya ang sinasabi niya. “Gusto kong sa loob ng isang buwan ay magpakatatay ka kay Mia simula ngayong araw na ito.” sabi niya rito.ANO pa man ang mangyari sa mga ito ay wala na siyang pakialam pa. Pag-alis niya ay kaagad na nagkagulo ang mga kasambahay at dali-daling isinugod sa ospital ang dalawa.NANG makatanggap ng tawag si Henry ay agad siyang nagmadali upang magtungo sa ospital. Dahil nga nasa ospital din si Gwen ng mga oras na iyon ay mas nauna itong nakapunta sa kung nasaan ang mga magulang niya.Nasa labas ito at hinihintay siya kaya nang makita siya nito ay kaagad itong tumayo at sinulubong niya kaagad si Henry. Hinawakan nito ang kamay niya at puno ng pag-aalalang nakatingin sa kaniya. “Hindi maganda ang lagay ng DAddy mo. ano na ang mangyayari ngayon?” nangilid ang mga luha nito at pagkatapos ay dali-daling bumagsak sa pisngi.Nagtagis ang kanyang mga bagang nang marinig niya ito. Hindi siya nakapagsalita kaagad. Sa totoo lang ay hindi naman siya ganun kalapit sa mga magulang niya dahil una pa lang ay ayaw naman talagang magkaanak ng mga ito ngunit hindi sinasadyang mabuo siya. Nang maipangank siya ay
KUNG dati ay hindi lubos na maintindihan ni Estelle kung bakit ganun na lang siya itrato ng mga ito pero ngayon ay doon na niya nakita ang tunay na dahilan, dahil sa pera at katayuan. Iyon lang ang tanging mahalaga sa mga ito at wala ng iba pa.Kahit na pauulit-ulit pa nilang sabihin sa kaniya na pwede pa siyang magkaroon pa ng isa pang anak o ilan kung gugustuhin niya ay iba pa rin si Mia para sa kaniya. Anak niya ito na minahal niya ng sobra-sobra ngunit dahil sa kalupitan ni Henry ay nawala ito sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang masaktan para kay Mia.Ilang taon na nga lang itong nabuhay sa mundo ngunit pagkatapos nitong mamatay ay hinamak siya ng lahat, na para bang sinasabi ng mga ito na dapat lang na mawala ito sa mundo dahil sakitin lang din naman ito. Bilang isang ina, kahit na ano pang kalagayan ng anak niya ay hindi niya matatanggap ang ganoong klaseng pananaw.Malamig ang mga matang tiningnan niya ang mga ito. “Kung si Henry ang gustong magkaanak ay napakarami namang iba
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Estelle habang nakatingin sa lumang mansyon ng mga Montero. Habang nakatingin siya dito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang puso. Kailan ba siya huling pumunta doon? Hindi na niya halos maalala. Isa pa, noong pumupunta siya doon ay buhay pa ang matanda kaya kapag pumupunta siya doon ay hindi siya nakakaramdam ng anumang emosyon dahil napainit ng pagtanggap sa kaniya ng matanda ngunit ngayon ay wala na ito.Nang maalala niya ito ay bahagya siyang nalungkot ng wala sa oras. Mabuti pa ito, ibang-iba mula sa ibang miyembro ng pamilya Montero. Huminga siya ng malalim bago tuluyang naglakad papasok sa mansyon.Noong unang makita siya ng pamilya ni Henry ay palagi lang siyang nakayuko, ni hindi niya magawang mag-angat ng kanyang ulo habang nakatingin sa mga ito at kahit na ano pang sabihin ng mga ito sa kaniya ay walang reklamo siyang sumusunod sa lahat. Kitang-kita niya rin ang mga pang-aalipu
SA LOOB ng maraming taon ay sa ibang bansa niya inubos ang kanyang oras para matuto sa lahat ng aspeto kaya alam niya sa sarili niya na kaya na niya. Kumpiyansa siya na kaya niyang pabagsakin si HEnry. Nag-focus siya sa kanyang pagmamaneho nang bigla niyang naalala ang isang ideya na palaging gumugulo sa isip niya. “Estelle, hindi ba sumagi sa isip mo na magtayo ng sarili mong kumpanya bukod sa Montero Group?” tanong niya rito.Nang marinig niya naman ang sinabi ni Dylan ay biglang naalala ni Estelle ang matanda, ang lolo ni Henry. Nangako siya rito na iingatan at poprotektahan niya ang kumpanya at hindi lang ang kumpanya kundi maging si Henry kaya kahit na walang pakialam si Henry sa kaniya sa mga nakalipas na taon ay nanatili pa rin siya sa tabi nito at palaging iniintindi ito. Pero ngayon na wala na si Mia na nagbubuklod sa kanilang dalawa ni Henry ay hindi na niya maatim at masikmura pa na mapalapit pang muli rito.Pero ganun pa man, kaya niyang i-disregard si Henry sa buhay niya
TAMA naman si Dylan, dapat siyang mamuhay ng maayos hindi lang para sa sarili niya kundi lalong-lalo na para kay Mia. agad siyang nag-impake ng kanyang mga damit at ilang mga gamit kasama na ang larawan ni Mia, ng kanyang ina at lola niya at pagkatapos ay may isang malungkot na ngiti na sumakay sa kotse ni Dylan. Akmang paandarin na sana ni Dylan ang sasakyan ngunit bigla na lang lumitaw si HEnry sa harapan ng kotse at pagkatapos ay naglakad patungo sa bintana kung nasaan siya.Nang magtama ang mga mata nila ni Henry ay agad niyang nakita ang matinding poot sa mga mata nito. Sa mga nakalipas na taon ay blankong ekspresyon lang ang palagi niyang nababanaag sa mga mata nito kapag tinitingnan siya nito ngunit ngayon ay iba na. “Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na.” malamig at walang emosyong sabi ni Estelle ito sa mahinahong paraan.Ayaw niyang makipag-argumento pa rito dahil wala na siyang ibang gusto kundi ang makaalis na ng tuluyan sa lugar na iyon. Isa pa ay ayaw na niya itong makit
MALAKAS siyang isinalya ni HEnry sa may sofa at pagkatapos ay nag-aapoy ang mga matang tiningnan siya nito. “Nababaliw ka na ba talaga huh?! Alam mo ba kung anong magiging resulta ng ginawa mo?!” galit na galit na tanong nito sa kaniya.Marahan siyang napatawa dahil sa sinabi nito. “Ako? Baliw?” mahinang tanong niya. “Sino kaya sa ating dalawa ang mas baliw HEnry? Hindi ba at ikaw dahil hinayaan mo lang ang anak natin na mamatay kahit na may magagawa ka naman? Diba?” ngumisi si Estelle dito, punong-puno ng kasiyahan ang kanyang mga mata dahil kahit papano sa isip-isip niya ay nakapaghiganti din siya kahit papano.Samantala, sa isip-isip ni Henry ay halos hindi na niya makilala ang babaeng nasa harapan niya. Ibang-iba na ito sa dating Estelle. “Pagkatapos ngayon ay ikaw pa ang may ganang gumanyan?!” sigaw nito sa kaniya.Nagtagis ang mga bagang ni HEnry at dumilim ang kanyang mga mata. “Talaga bang gagawin mo ang lahat para lang makuha mo ulit ako huh?” walang emosyong tanong niya rito.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments