Pakiramdam ni Psalm ay tinamaan siya ng kidlat sa tanghaling tapat. Sariling ama niya mismo ang nag-utos kay Darvis na hiwalayan siya? Pero ano pa nga ang aasahan niya sa mga magulang. Kailan man ay hindi siya naging paborito ng mga ito.
Nilunok na lamang niya ang sakit at pait ng pagkatalo at sinikap maging mahinahon. Kung ganoon, kasama pala ni Pearl ang mga ito. Ang ama niyang si Rolando Hermosa ay tanyag na mapagmahal na ama pero kay Pearl lamang. Ngayon habang pinagmamasdan niya ito, kitang-kita niya ang pag-aalala sa anyo nito. Dumating sina Pearl at ang mommy nila. Bakas ang tuwa sa mukha ng kapatid niya habang hinahaplos nito ang tiyan. Si Perlita naman ay inagaw ang cellphone mula kay Rolando. "Ano, Darvis? Buntis si Pearl, dala niya ang kinabukasan at tagapagmana ng angkan ng mga Florencio!" atungal ng may edad na babae. "Hindi ka pa rin ba makapagdesisyon? Ano bang nakikita mo roon kay Psalm? Mas karapat-dapat sa iyo si Pearl! Kung nag-aalala ka sa asawa mo, pwede mo naman siyang bigyan ng alimony, bigyan mo ng bahay kung gusto mo. Kung hindi mo papakasalan si Pearl, ipapa-abort namin ang bata!" sigaw ni Perlita. Mahigpit na ikinuyom ni Psalm ang mga kamao habang nakasandal sa pinagkublihang malaking haligi. Black-mail? Hindi siya makapaniwalang pati mga magulang niya ay gagawin ang ganoon para lang kay Pearl. Talaga bang wala siyang halaga sa mga ito? Si Pearl sa isang tabi ay nagkukunwaring umiiyak. Dinaluhan agad ito ng Daddy nila at inalo. Dati pa ay magaling na itong umarte ay paniwalang-paniwala ang mga tao sa paligid nila. "Huwag kang mag-alala, anak, nandito lang kami ng mommy mo." Tumango si Pearl at tipid na ngumiti. Ibinaling nito ang tingin sa mommy nila na hindi pa rin tinigilan si Darvis. "Hindi mo mahal ang anak ko? Pero tatlong buwan mo na siyang ginagalaw! Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Darvis! Darvis!" atungal ni Perlita. Ibinaba na siguro ni Darvis ang telepono. "Mommy," naiiyak na yumakap si Pearl sa ina. "Ano'ng gagawin ko? Sabi ni Darvis kung nakilala niya ako ng mas maaga, baka ako ang pinakasalan niya at hindi si Psalm. Pero bakit ayaw niya sa akin?" "Huwag kang mag-alala, anak, hindi titigil si mommy hangga't hindi ka papanagutan ng lalaking iyon, okay?" "Thank you, Mom... kasalanan ni Psalm lahat ng ito. Hadlang siya sa kaligayahan ko mula pa noon! Sana mamatay na siya!" "Hayaan mo, anak, oras na maisilang mo ang bata, natitiyak kong magbabago ang isip ni Darvis at papakasalan ka niya. Kunting tiis lang, okay?" Sobrang sakit para kay Psalm ang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniyang mga magulang. Pero ngayon niya napatunayan na hindi nga siya mahal ng mga ito. Minsan na niyang naiisip na baka ampon siya. Tuwing naiisip na iyon ay gumagaan ang loob niya kahit papaano. Kailangan kasi niyang bigyan ng dahilan kung paano siya tratuhin ng sarili niyang pamilya, kung hindi kasusuklaman niya ang mga ito at ayaw niya ng ganoon. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili. Hindi siya pwedeng magpatalo. Wala siyang panahon para ipagluksa ang sinapit niya sa kamay ng mga kaanak. Kailangan niyang bumangon. Tatagan ang kaniyang loob at tibayan ang puso niya. Sarili na lang niya ang pwede niyang asahan ngayon. Pumihit siya para tumuloy na sa appointment niya sa kaniyang OB nang di-sadyang makita siya ni Pearl. "Ate?" Nag-ugat sa sahig si Psalm. "Oh, ikaw ba iyan, Psalm?" malditang sabi ni Perlita at mabilis na nakalapit sa kaniya. Agad siyang umurong at iniharang ang kamay sa kaniyang tiyan. "Pwede ba tayong mag-usap?" "Tungkol po saan?" "Tatlong taon na kayong mag-asawa ni Darvis pero hindi mo pa rin siya nabigyan ng anak. Sa tradisyon ng pamilya natin, kasalanan iyon at ground for annulment." "Tama," sang-ayon ni Rolando. "Kung hindi sa loyalty ni Darvis baka matagal ka nang nasipa paalis ng angkan ng mga Florencio." Ground para sa annulment? Ano'ng pinagsasabi ng mga taong ito? Sarcastic siyang ngumiti. "Hindi ko alam na mayroong ganoon sa tradisyon ng pamilya natin. Teka, kasali pa ba ako sa pamilya ninyo?" malamig niyang sagot at kumawala sa pagkakahawak ng kaniyang ina. "Isa pa, matagal nang bumagsak ang kultura ng mga ninuno natin, hindi nyo na nga inabutan, Dad. Kahit ang ipaliwanag sa akin ng mabuti ay duda ako kung magagawa n'yo." Napamulagat ang mga magulang niya. Hindi agad nakapag-react. Namula nang husto sa galit ang mukha ni Rolando at agad itong nag-angat ng palad. Pero pinigilan ito ni Pearl. "Dad, kalma lang. Huwag kayong ganyan. Ako na ang kakausap sa kapatid ko." Bumaling ang babae kay Psalm at nagbigay ng pekeng ngiti. Ang mga mata nito ay naghugis tipak na buwan dahil sa pagkakasingkit. "Pasensya ka na kay Daddy, Ate ha? Ginawa lang niya ito para sa kapakanan mo. Wala ka kasing anak, nag-aalala lang siya para sa asawa mo. Paano kung malagay sa alanganin ang posisyon ni Darvis sa kompanya dahil wala siyang tagapagmana. Huwag mong sayangin ang hardwork niya." "Tama si Pearl," sabat ni Perlita. "Imbis na ipagpilitan mo 'yang sarili mo, hayaan mong pakasalan ni Darvis ang kapatid mo kaysa ibang babae ang ipapalit sa iyo ng asawa mo, baka kung saan ka pang basurahan itatapon." Gusto nang matawa ni Psalm. Nagmana talaga sa masamang mukha ang mag-inang nasa harapan niya. Hinding-hindi niya pagsisisihang umalis siya noon sa tahanan nila. Kung ganitong uri na rin lang ng magulang ang kailangan niyang habulin ang pagmamahal, mabuti pang lumayo na nang lubusan. "Ano'ng nakakatawa?" tanong ni Pearl. "Pearl, iyong-iyo na si Darvis kung gusto mo. I*****k mo sa baga't atay mo hanggang sa mabilaukan ka. Hindi ako magpapagod na ipaglaban siya. Iyon lang, kung mahal ka talaga niya makukuha mo siya, kaso lang parang hindi ganoon ang nangyayari," malamig niyang pahayag at tumalikod paalis pero nahinto siya nang magtama ang mga mata nila ng lalaking papalapit. Si Darvis.Na-realize ni Psalm na hindi lang siya ang mapeperwesyo kung hindi niya haharapin ang media kahit pa wala naman siyang dapat ipaliwanag. Nakakatakot kung ang social media na ang lalason sa utak ng mga tao, maski walang katibayan madidiin siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Tatlong araw na mula nang pumutok ang issue at halos mag-camping na sa labas ng mansion ang taga-media. Kada katulong na lumabas ay hinaharang at tinatanong. "Lalabas ako, Lucille, kakausapin ko ang press. Dito lang kayo," bilin niya sa kasambahay matapos ibigay dito si Chowking."Mag-iingat po kayo, Madam," worried na pahabol ng katulong.Pagtawid pa lamang niya sa pulta-mayor ay sinalubong siya ng kislap ng mga camera na wari ay kidlat sa gitna ng bagyo. Takbuhan ang mga reporter mula sa iba't ibang broadcasting network at nag-uunahan sa pag-umang ng microphone sa kaniya. "Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa paratang na rape at frustrated murder?""May katotohanan ba lahat ng sinabi ni Madam Daisy?""T
Hinatid lang ni Darvis pauwi ang asawa. Balak niyang pumunta sana ng opisina pero natanggap niya ang tawag ni Pearl. Bakas sa tono ng dalaga ang stress. Naintindihan niya kung naapektuhan ito sa sinapit ng anak ni Madam Daisy, kaibigan nito ang biktima. Pero hindi niya mapilit ang sarili na ibigay ang buong simpatiya kung si Psalm naman ang malalagay sa alanganin. Kilala niya ang asawa. Marahil ay hindi siya gaanong pamilyar sa mga ganap noong kabataan pero sa loob ng pagsasama nila, kabisado niya ang puso nito. Likas itong may mabuting kalooban. Ang kabaitan nito ay walang sinusunod na pamantayan. Kumbinsido siya na inosente ito at napagbintangan lang sa kasalanang wala naman itong ideya. "Nandito ka na rin!" Sumalubong sa kaniya si Pearl pagpasok niya ng sala. Umiiyak na yumakap sa kaniya ang dalaga. "Takot na takot ako, Kuya. Di ko akalaing kayang gawin iyon ni Ate sa kapwa babae. Pinagahasa niya talaga si Sheena!" sumbong nito. Naiiritang itinulak niya ito palayo. "Tama na n
Umiling si Darvis. Walang sinabi pero halatang hindi kontento sa narinig. Hinawakan nito sa kamay si Psalm at muli nilang nilapitan ang mga pulis."Sasama ako sa police station, kung pwede 'wag nýo na siyang i-handcuffs," anito sa dalawang pulis."Copy that, Mr. Florencio. Anyway, hindi pa naman natin napatutunayan kung may katotohanan ang bintang sa kaniya. She is innocent unless proven guilty."Hindi man lang siya makapagbihis. Nanlalagkit na siya. Dapat pala tinanggap na lang niya ýong damit na binigay ni Ymir bago siya nito ihatid pauwi kanina. "Lucille!" tawag ni Psalm sa kasambahay."Madam?" Lumapit si Lucille, nasa mukha ang hinagpis at pag-aalala. Naglabasan din ang ibang mga katulong. Kahit papaano naramdaman niya nasa kaniya ang simpatiya ng mga ito. Sa haba ng panahong nanilbihan sa mansion ang mga kasambahay, kabisado na siya ng mga ito. Wala siyang naging kaaway, maliban lang siguro kay Pearl na kung titingnan naman mula sa point of view ng society ay normal away lang ma
Napuyat sa kahihintay ng balita si Pearl kung tagumpay ba o hindi ang plano nila ni Madam Daisy. Pero sa halip na magalit pagkat hindi pa rin nagparamdam ang manghuhula'y kalmado at masaya ang dalaga dahil buong magdamag niyang kasama si Darvis. Kaaalis lang ng lalaki. Busog na naman siya sa mainit na tagpo nila. Kapag si Darvis talaga, hindi siya nabibitin. Kontento siya lagi dahil napaka-aktibo nito sa kama.Nakangiting binalingan niya ang cellphone at muling tinawagan si Madam Daisy. Halos naka-sampung missed calls na siya. "Pearl! Nasaan ka?" Boses na may kasamang panaghoy ang tumawid mula sa pintuan. Kasunod ang manghuhula na umiiyak at hindi niya maipinta ang hitsura dahil sa dungis."Madam, ano'ng nangyari?""Si Sheena, nasa hospital at nag-aagaw-buhay! Ginahasa siya ng gang at sinaksak. Nakita siya ng mga pulis kanina sa tapunan ng basura. Tulungan mo ako, Pearl, baka mamatay ang anak ko!" Nanginginig ang mga kamay at abot-abot ang pag-agos ng mga luha ng babae.Hindi nakahuma
Maingat na ibinaba ni Ymir sa kama si Psalm at muling sinuri ang mga sugat sa tuhod ng babae. Unti-unti nang namaga ang paligid ng galos. Nagtagis siya ng mga bagang at umakyat ang paningin sa tiyan nito. "May iba pa bang masakit bukod sa mga galos mo? Ang tiyan mo?" tanong niyang tumayo at kinuha ang medical bag na nasa couch. Narito sila sa Quantum. Satellite clinic niya sa labas ng main house estate ng Venatici. Heavily guarded of moving personnel and electronic security. Dito ang pinakamalapit mula sa location ng exhibit kanina kaya rito na niya itinakbo si Psalm imbis na sa hospital."Bakit dito mo ako dinala, Ymir?" tanong ni Psalm na nalukot ang mukha nang hawiin niya paangat ang suot nitong bestida."Saan mo gusto? Sa hotel?" pabiro niyang pakli. He had a quick glimpse of her pink cloth underneath and it stirs a hell of electric friction in his groin. Fortunately, his self-control took charge rapidly, reminding him that this woman is not someone that he can deliberately tou
Mariing kinagat ni Pearl ang ibabang labi. Kahit hindi niya nakikita si Darvis, alam niyang galit na ito. Masyado ba siyang demanding? Pero kung hindi niya ito i-remind lagi, wala siyang mapapala dahil mas matimbang pa rin sa lalaki si Psalm. "Huwag ka nang magalit, Kuya, gusto lang kitang i-check. Worried lang ako, baka pati ikaw madamay sa bad luck na para sa amin ni baby," pagdadahilan niya."Don't call me for the meantime, masakit ang ulo ko.""S-sige, pahinga ka, okay?" Gigil na piniga ni Pearl ang cellphone. Pagkatapos magpaalam kay Darvis ay pinindot niya ang contact number ni Madam Daisy. "Kung hindi natin aalisin sa landas si Psalm, hindi ibibigay sa iyo ni Darvis ang kwintas.""At wala ka ring reward mula sa akin," antipatika niyang pakli."Nakahanap ng paraan ang kapatid mo'ng iyon para hindi mapasaiyo ang necklace. Kailangang kumilos na tayo," sulsol ng manghuhula. "May plano ba kayo?" Sumilip ang masamang ngiti sa labi ni Pearl. "Gusto kong madurog ang babaeng iyon, g