ANMELDEN"Goodmorning.."
Kahit nakapikit pa ang mga mata ni Sylus ay ramdam na niyang gising na si Naya. Ang totoo'y mas nauna pa siyang nagising kaysa sa babae. Kanina niya pa rin pinagmamasdan ang mukha nito habang mahimbing itong natutulog. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at nakita ang gulat sa mga mata ni Naya. "Barikada pala, huh?" Nakangising sambit niya dahilan para mas makita niya ang pamumula ng mukha nito. Nagmadali tuloy si Naya na tanggalin ang braso niya sa pagkakayakap kay Sylus saka ito napaupo sa kama. "Sorry, magulo talaga ako matulog." Sinuklay ni Sylus ang sariling buhok gamit ang mga daliri niya habang pinagmamasdang nahihiya sa kanya ang asawa niya. "It's fine.." Nilingon niya si Sylus dahil sa sinabi nito. Anong it's fine? Ayos lang sa kanya na yakapin ko siya? "Bakit hindi mo na lang tinanggal yung kamay ko?" "I tried. Pero binalik mo ulit kaya hinayaan ko na. Akala mo siguro unan ako," Napahilamos na lang ng mukha si Naya dahil sa kahihiyan. "Sorry talaga.." "I said it's fine." Ani Sylus saka tumayo na rin at bumaba ng kama. "You can hug me all you want." "Hindi ko naman ginusto 'yon! Tulog ako!" Napangisi si Sylus. "You violate no rule, Naya. Don't worry.." sambit nito saka na dumiretso na sa banyo. Nag-ayos na silang dalawa para sa umaga na iyon pagkatapos ay sabay na silang bumaba para kumain ng almusal. "Goodmorning po, La.." bati ni Naya sa lola Lucia niya na nakaupo na sa dining table at hinihintay na lang sila. "Goodmorning, apo.." Sinenyasan ni Naya ang nasa likod niyang si Sylus para yakapin din nito ang matanda. Kumunot ang noo ni Sylus nung una dahil hindi siya sanay yumakap sa ibang tao, pero nang makita niyang masama na ang tingin ni Naya sa kanya ay agad na siyang lumapit kay lola Lucia at niyakap na rin ito. "Goodmorning po," Natuwa ang matanda sa ginawa niya. Hindi niya aakalain na ang dati nitong amo ay apo na rin niya ngayon. "Goodmorning, Sylus!" Sabay silang kumain ng almusal sa mahabang mesa na iyon. Pero hindi pa rin maiwasang mailang ni Naya dahil ang mayordomang si Isabel ay pinagsisilbihan na rin siya ngayong araw. "Pupunta mamaya ang doktor para kay Lola Lucia. Ipapaayos ko na rin ang ibang mga damit mo sa kwarto natin," usal ni Sylus nang kumakain na sila. Tumango at ngumiti si Naya nang marinig iyon. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sa taas si Sylus para magtrabaho sa opisina nito. Si lola Lucia ay nagpahinga ulit sa kwarto, at si Naya naman ay tumambay sa kusina kung nasaan ang mga kaibigan niyang mga kasambahay. "Ma'am Naya, bakit po kayo nandito, may gusto po ba kayo?" Tanong ni Ara sa kanya. "Huwag mo niyo na akong tawaging ma'am.." "Pero amo ka na rin namin.. baka magalit si sir Sylus kapag narinig niyang hindi ka namin ginagalang." Ani Joan. Mabagal na tumango si Naya, narealize na baka nga pagalitan pa ni Sylus ang mga ito kung hindi sila sumunod. "O sige, kapag tayo-tayo lang, kahit huwag niyo na akong tawaging ma'am. Kaibigan ko pa rin naman kayo.." Napatitig sila kay Naya dahil hindi nila inaasahan iyon. Doon nila napagtantong tunay ngang mabuti ang puso nito. Kahit ang istriktang mayordomang si Isabel na nakikinig sa gilid ay lihim din na napangiti dahil akala niya'y magmamataas na si Naya kapag napakasalan na nito si Sylus, ngunit hindi pala. Samantala, habang abala naman si Sylus sa trabaho niya sa opisina ay biglang tumawag ang kanyang ina na si Sienna. "Yes, mom?" "I heard kinasal ka na kahapon?" "Yeah," "Why didn't you tell me?" "Nalaman niyo na rin naman.." "How about your brothers? Alam din ba nila ito?" "Nope. Hindi ko rin sila sinabihan." Malalim na huminga ang kanyang ina sa kabilang linya, tila nagtitimpi ng galit. "Bakit hindi pala si Amara ang pinakasalan mo?" Saglit tinigil ni Sylus ang ginagawa niya sa laptop saka siya sumandal sa kanyang swivel chair habang nakikinig sa ina. Walang nakakaalam kung anong dahilan ng paghihiwalay nila ni Amara. Hindi alam ni Sienna na may ibang lalaking kinama si Amara kaya tinigil ni Sylus ang pagpapakasal dito. "I just don't want her anymore.." "Kaya magpapakasal ka na ng kung sino-sino lang?" "Mom, don't call my wife like that." "Your wife? I background checked that woman! She's our former maid, Sylus! She also have a boyfriend—" "They already broke up. And what's wrong if she's our maid before? She's my wife now." "I can't believe you! 'Yang ganyang babae ang ihaharap mo sa pamilya mo? Sa ibang tao? Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang dating katulong ang asawa mo? Hindi ka ba nahihiya?" Pumikit si Sylus habang nakasandal. "Not at all, mom." "Paano kung pera lang ang habol sa'yo niyan?" Dahan-dahan nang napangisi si Sylus dahil iyon naman talaga mismo ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. "I don't mind. I can give her money, if she wants. I can afford it." "Are you out of your mind? You let a gold digger enter our family?!" Nagmulat siya ng mga mata saka hinilot ang sentido. "Mom...I'll give Naya anything she wants. And what's mine is also hers from now on. So don't you ever say that word to her again. Because I won't tolerate any kind of disrespect towards my wife.. even from you." Saglit na natigilan si Sienna sa narinig. Nakaramdam siya ng galit dahil hindi niya pa rin matanggap na hindi mayaman ang pinakasalan ng anak niyang panganay. "What's so special about her? Kailan mo lang ba siya nakilala pagkatapos ng break up niyo ni Amara? Do you really know her?" "What's important now is that were married, and she will be part of this family whether you like it... or not." Doon na napatiim ng panga si Sienna. Alam niyang hindi niya na magugustuhan ang babaeng pinakasalan ng anak niya. At alam niyang hindi niya ito tatanggapin kahit na magalit pa sa kanya si Sylus. "I'll be back soon. I wanna meet that woman." Binaba na ni Sylus ang tawag matapos iyon sabihin ng kanyang ina. Isang linggo makalipas ang kasal nila ay mas dumami na ang nakaalam na kasal na ang panganay na tagapagmana ng mga De Santis. Nagkaroon pa ng mga balita sa telebisyon at sa social media tungkol sa pagpapakasal niya ng pribado sa 'di kilalang babae. "Malapit na nga pala ang pasukan ko. Isang sem na lang para sa internship bago ako grumaduate." Sambit niya noong nasa kwarto na silang dalawa. Kasalukuyang nagtatanggal ng necktie si Sylus nang lingunin niya si Naya na inaayos ang kama nila. "Okay. Ipapahatid-sundo na lang kita sa driver kapag papasok ka. Tsaka sabihin mo lang kung anong mga kailangan mong bilhin, ipapaasikaso ko sa assistant ko." Tumango si Naya at nagpasalamat. Noong sunod na umaga naman ay hindi nila inaasahang may dumating na bisita. "Ma'am...sir.. nandito po si Amara." Balita ni Isabel sa kanila noong nakaupo sila sa sala. Nagkatinginan sina Sylus at Naya. "Let her in." Pagkasabi niya noon ay agad siyang mas dumikit kay Naya. Naintindihan naman agad ito ni Naya kaya sinukbit niya agad ang braso niya sa braso ni Sylus at nagpanggap silang sobrang sweet sa isa't isa. Kaya naman pagkapasok pa lang ni Amara ay agad na niyang nakita ang dalawa na tila hindi mapaghiwalay. Nakangiti pa ito sa isa't isa na akala mo'y wala silang pakielam sa pagdating niya. "Hi, Sylus.." bati niya. Tinanguan lang siya nito. Napalunok si Amara at pinigilang magalit sa harap nila kahit na kanina niya pa gustong hilahin ang buhok ni Naya. "Uhm.. i just wanna invite you sa birthday ko next week.." "If my wife's not invited then I will not go, too." Mas lalong nabakas ang kirot sa mukha ni Amara nang tawaging wife ni Sylus si Naya. Mariin niyang tinitigan ito. Dapat ako 'yon. Dapat ako ang nasa tabi niya ngayon. Dapat nasa akin lang ang atensyon ni Sylus at hindi sa babaeng 'yan. "O-Of course kasama si..." Hindi niya maituloy dahil hindi niya alam ang pangalan nito. "I'm Naya," nakangiting usal naman ni Naya. Pinilit ngumiti ni Amara sa kanya. "Yes. You. Kasama ka rin." "We'll check our schedule. Baka kasi maging busy pa kami sa honeymoon namin," ani Sylus. "Honeymoon? One week na since kinasal kayo 'di ba? Hindi mo pa ba ako pagbibigyan, Sy?" "We want to spend our honeymoon for a month. Wala ka ng pakielam doon." "Pumunta na tayo sa birthday niya, love..." Malambing na sagot naman ni Naya. Palihim na napairap si Amara sa narinig na tawag nito kay Sylus. "If that's what you want, then.." Nakatitig na sagot ni Sylus kay Naya. Napakuyom na lang ang mga kamao ni Amara sa likod niya. At habang pinagmamasdang mukhang masaya ang dalawa ay napaisip siya: Pagsisisihan mong inagaw mo sa akin si Sylus. Tingnan natin kung may mukha ka pang ihaharap sa mga tao pagkatapos ng gagawin ko sa'yo sa birthday ko."Goodmorning.." Kahit nakapikit pa ang mga mata ni Sylus ay ramdam na niyang gising na si Naya. Ang totoo'y mas nauna pa siyang nagising kaysa sa babae. Kanina niya pa rin pinagmamasdan ang mukha nito habang mahimbing itong natutulog. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at nakita ang gulat sa mga mata ni Naya. "Barikada pala, huh?" Nakangising sambit niya dahilan para mas makita niya ang pamumula ng mukha nito. Nagmadali tuloy si Naya na tanggalin ang braso niya sa pagkakayakap kay Sylus saka ito napaupo sa kama."Sorry, magulo talaga ako matulog." Sinuklay ni Sylus ang sariling buhok gamit ang mga daliri niya habang pinagmamasdang nahihiya sa kanya ang asawa niya. "It's fine.." Nilingon niya si Sylus dahil sa sinabi nito. Anong it's fine? Ayos lang sa kanya na yakapin ko siya?"Bakit hindi mo na lang tinanggal yung kamay ko?" "I tried. Pero binalik mo ulit kaya hinayaan ko na. Akala mo siguro unan ako," Napahilamos na lang ng mukha si Naya dahil sa kahihiyan. "Sorry talaga.
Lumipas ang mga araw sa mansyon pero bulong-bulungan na ang paparating na kasal nina Naya at Sylus. Sunod-sunod rin ang mga naging katanungan nina Ara, Joan, at Tessa sa kanya sa kwarto nila tuwing gabi. Ngunit kahit isa ay wala siyang binibigay na malinaw na sagot. Maski ang mayordoma nilang si Isabel ay nagtataka na rin dahil sa nalaman. "Naya, huwag ka nang maglinis diyan.." sambit nito nang makita si Naya, isang umaga, na naglilinis ng banyo. "Po?" Tumayo si Naya at lumapit kay Isabel. "Iba na lang ang paglilinisin ko niyan." "Pero, Miss Isabel, patapos na rin naman po ako—" "Hindi na. Pumunta ka na lang sa opisina ni sir Sylus. Kung gusto mo doon ka maglinis." Natigilan si Naya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi na siyang pinipigilang maglinis ni Isabel. Kapag nagpupumilit naman si Naya ay paglilinisin na lang siya sa kwarto o sa opisina ni Sylus. "Sige po," Habang naglalakad paalis doon ay napagtanto niyang tama nga si Sylus. Mag-iiba at ma
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara. Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya. "What are you doing here?" Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya. "Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit. "Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din. Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan. "I said what are you doing here in my house?" "Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo." "If you're not stupid, you will know the answer, Amara." "Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na
Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?" "Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi
Napaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to? "Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya? "Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin. "Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boy
"Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya. Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara. Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino iton







