เข้าสู่ระบบLumipas ang mga araw sa mansyon pero bulong-bulungan na ang paparating na kasal nina Naya at Sylus.
Sunod-sunod rin ang mga naging katanungan nina Ara, Joan, at Tessa sa kanya sa kwarto nila tuwing gabi. Ngunit kahit isa ay wala siyang binibigay na malinaw na sagot. Maski ang mayordoma nilang si Isabel ay nagtataka na rin dahil sa nalaman. "Naya, huwag ka nang maglinis diyan.." sambit nito nang makita si Naya, isang umaga, na naglilinis ng banyo. "Po?" Tumayo si Naya at lumapit kay Isabel. "Iba na lang ang paglilinisin ko niyan." "Pero, Miss Isabel, patapos na rin naman po ako—" "Hindi na. Pumunta ka na lang sa opisina ni sir Sylus. Kung gusto mo doon ka maglinis." Natigilan si Naya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi na siyang pinipigilang maglinis ni Isabel. Kapag nagpupumilit naman si Naya ay paglilinisin na lang siya sa kwarto o sa opisina ni Sylus. "Sige po," Habang naglalakad paalis doon ay napagtanto niyang tama nga si Sylus. Mag-iiba at mag-iiba ang trato ng mga kasamahan niya sa kanya kapag nalaman ng mga ito ang paparating nilang kasal. Hindi rin naman ito maiiwasan dahil magiging asawa na siya ng may-ari. Magiging parte na rin siya ng pamilyang pinagsisilbihan ng mga kasama niya. Kaya sinong hindi maiilang? Napabuntong hininga na lang siya. Dumaan pa ang mga araw at nagkaroon na rin siya ng tyansa para sabihin sa kanyang lola Lucia ang mangyayaring kasal. "Ha? Ikakasal ka na, apo?" "Opo, lola.." napakamot siya sa batok at hindi alam kung paano ipapaliwanag na para lang sa pera ang gagawin niyang pagkakasal na ito. "Hindi ba't kakahiwalay niyo lang ni Julius?" "Oo nga po.." "Sino ba ang papakasalan mo?" Mas lalong nahiyang sumagot si Naya sa tanong na iyon. "Si Sylus po.." nakayukong tugon niya. Nanlaki ang mga mata ng matanda. "Hala...yung panganay na anak nina sir Alessio? Yung amo mo?" Tumatango tango si Naya. "Teka, paanong..." Hind maituloy ni Lucia ang katanungan dahil maski siya ay hindi makapaniwala doon. "Basta po, lola. Mahabang kuwento." Gulat pa rin ang mukha ng matanda kaya hinawakan na lang ni Naya ang nangungulubot na kamay nito. "Lola. Magtiwala na lang po kayo sa akin.." Napakurap ang lola niya. Hanggang sa unti-unti na lang itong ngumiti at tumango. "Sige, hindi na kita pipilitin kung bakit.. basta't ang mahalaga'y mahal niyo ang isa't isa, Naya.." Napatungo na lang siya dahil sa narinig. Iyon nga ang po ang problema, La. Hindi namin mahal ang isa't isa. Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang iniisip iyon. "A-Ang mas mahalaga, lola, kapag naikasal na po kami ni Sylus doon na po kayo sa mansyon ng mga De Santis titira para magkasama pa rin po tayo," Napangiti na si Lucia at hinaplos ang pisngi ng kanyang apo. Hanggang sa dumating na ang araw ng sabado. Handa na ang lahat. Ang mga dokumento, ang judge, ang mga singsing, ang mga saksi, at ang groom at bride. Sa araw na iyon ay naka-white dress si Naya–na binili pa ni Sylus para sa kanya. Katabi niya naman si Sylus na nakaitim na tuxedo. Hawak nito ang kamay niya habang pareho silang nakikinig sa judge na nagkakasal sa kanila. Sa building na iyon ay tanging mga lawyers, at sina Isabel, Ara, Joan, Tessa, at ang lola Lucia ni Naya ang nandoon para maging witness. Nakatayo sila sa likod habang nakangiting nanonood. Tanging ang lola lang ni Naya ang nakaupo. Nagpalitan na sila ng mga simpleng vows sa isa't isa hanggang sa sinuot na nila ang mga singsing nila. "Do you, Sylus Arden De Santis, freely and willingly take Hanaya Soleen Madrigal as your lawful wife?” Hindi nag-alis ng tingin si Sylus kay Naya sa mga oras na iyon. "I do." Mas nagalak ang mga nanonood. Lalo na si Isabel. Isa siya sa mga nakasaksi ng paglaki ni Sylus at ng mga kapatid nito, at hindi niya aakalain na kinakasal na ang isa sa mga ito ngayon. "And do you, Hanaya Soleen Madrigal, freely and willingly take Sylus Arden De Santis as your lawful husband?” Napalunok si Naya at napakurap. Para lang ito sa lola niya. Para lang sa kontrata at para sa makukuha niyang pera. "I do." Usal na niya habang nakatitig na sa mga mata ni Sylus. Hindi naman mapigilang mapaluha ng lola niya habang nakangiti. Pagkatapos no'n ay kinuha na ng judge ang marriage certificate at inilapag iyon sa mesa. Isa-isang lumapit ang dalawa upang pumirma, kasunod no'n ang kanilang mga saksi. Matapos makumpleto ang kinakailangang deklarasyon at pagpirma, muling nagsalita ang hukom. "In accordance with the laws, and having fulfilled the legal requirements for marriage, I hereby solemnize your marriage. Congratulations to the newlyweds.” Sandaling tumigil ang judge at nakangiting tumingin kina Sylus at Naya. "You may now kiss the bride." Pagkarinig no'n ay napahigpit ng kapit si Naya sa hawak niyang bouquet ng bulakalak. Kanina pa siya kinakabahan sa parteng ito ng kasal dahil baka mahalata ng ibang tao na nagpapanggap lang sila. Pero dahan-dahan nang lumapit at yumuko si Sylus sa kanya. "This is for public appearance," bulong ni Sylus nang makita may pag-aalangan sa mata si Naya. Naaalala bigla ni Naya ang usapan nila tungkol doon. Walang halikan, unless for public appearance. Mas magtataka nga naman ang mga tao kung hindi sila maghahalikan sa mismong kasal nilang dalawa. Kaya naman ngumiti na rin si Naya at tumingala rin kay Sylus para mas mas magkalapit ang kanilang mga mukha. Bumaba na ang mga mata ni Sylus sa labi ni Naya habang ang kamay niya ay nasa baywang nito. Humawak na rin si Naya sa batok niya hanggang sa magtama na ang kanilang mga labi. Napapikit si Naya lalo pa at naramdaman niyang mas rumiin pa ang malambot na labi ni Sylus sa kanya. Malakas na nagpalakpakan ang mga nakasaksi. Nang matapos ang seremonyas at makabalik sa mansyon ay naghanda ng mga pagkain para sa lahat sina Sylus. Hanggang sa sumapit na ang gabi. Nagpapahinga na ang lahat, ganoon din si Lola Lucia na may sarili ng kwarto sa mansyon. Samantalang si Naya ay namomroblema ngayon habang nakatitig sa iisang kama ng magiging kwarto nila ni Sylus. Wala sa usapan nila ang hiwalay ang kwarto dahil baka may makahalata no'n. Kaya naman napakagat na lang siya sa kuko niya habang naririnig na nagsho-shower na si Sylus sa banyo. Pagkalabas nito ay nakita niyang muli ang hubad na pang itaas na katawan ng lalaki habang naka-puting pajama ito sa pang-ibaba. Kasalukuyang nagpupunas ng basang buhok si Sylus nang makita si Naya na nakatayo sa tapat ng kama. "You can take a shower now, too." Nakita niyang mukhang namomroble siya kaya nilapitan na niya ito. "Why? Don't worry. You have plenty of new clothes in the walk-in closet. Kung gusto mo ipapaayos ko rin ang ibang gamit mo dito bukas." Umiling si Naya. "Ayos lang. Hindi naman 'yun yung problema ko.." "Then, what is it?" Kunot noong tanong na niya. Bumaling si Naya sa bandang kama saka siya muling tumingin kay Sylus. Sa pamamagitan no'n ay nahulaan na ni Sylus kung anong problema niya. Napangisi na siya at lumapit na rin sa kama para mahiga. Nang madaanan niya si Naya ay naamoy nito ang mabangong amoy ng katawan at basang buhok niya. Napalunok si Naya. "Huwag kang mag-alala. Wala akong gagawing masama sa'yo." Tinikom ni Naya ang mga labi at hindi nakapagsalita dahil sa sinabi ng kanyang asawa. "I won't touch you. Unless.. you want me to." Agad umakyat ang init sa mukha ni Naya dahilan para mamula ang mga pisngi niya. "A-Ang kapal mo naman. Bakit ko naman gugustuhing mahawakan mo?" Mas lumawak ang ngisi ni Sylus saka siya nagkibit balikat. "You'll never know.." Dinaan na lang niya sa pag-irap ang nararamdamang hiya saka siya tumalikod at pumasok na sa banyo para magshower. Nang matapos siya ay agad siyang nakapagpalit ng isang kulay itim na nightdress. Namataan niya si Sylus na may kaharap ng laptop at nakasandal sa headboard ng kama. Pero pagkalabas niya pa lang sa banyo ay napasulyap na sa kanya si Sylus. Nagtaas-baba ang Adam's apple nito nang makita at maamoy ang bango ng kanyang asawa. Napatikhim na lang siya saka nag-iwas ng tingin. Dumiretso naman si Naya sa kama. Sa kabilang parte ng hinihigaan ni Sylus. "What's that?" Tanong niya nang makitang naglalagay ng mga unan sa gitna si Naya. "Barikada," "I told you, I won't do anything to you without your persmission." "Kahit na," giit niya saka na nahiga habang may nakapagitan na mga unan sa kanilang dalawa. Hinayaan niya na lang si Sylus sa trabaho nito sa laptop. Dahil sa pagod niya sa buong araw na 'yon ay mabilis na siyang nakatulog agad. Ngunit hindi niya inaakala na ang barikadang tinayo niya kagabi bago siya matulog ay naglaho na ngayong umaga. Lalo pa at nagising na lang siyang mahigpit ang yakap niya kay Sylus. Nanlaki ang mga mata niya."Goodmorning.." Kahit nakapikit pa ang mga mata ni Sylus ay ramdam na niyang gising na si Naya. Ang totoo'y mas nauna pa siyang nagising kaysa sa babae. Kanina niya pa rin pinagmamasdan ang mukha nito habang mahimbing itong natutulog. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at nakita ang gulat sa mga mata ni Naya. "Barikada pala, huh?" Nakangising sambit niya dahilan para mas makita niya ang pamumula ng mukha nito. Nagmadali tuloy si Naya na tanggalin ang braso niya sa pagkakayakap kay Sylus saka ito napaupo sa kama."Sorry, magulo talaga ako matulog." Sinuklay ni Sylus ang sariling buhok gamit ang mga daliri niya habang pinagmamasdang nahihiya sa kanya ang asawa niya. "It's fine.." Nilingon niya si Sylus dahil sa sinabi nito. Anong it's fine? Ayos lang sa kanya na yakapin ko siya?"Bakit hindi mo na lang tinanggal yung kamay ko?" "I tried. Pero binalik mo ulit kaya hinayaan ko na. Akala mo siguro unan ako," Napahilamos na lang ng mukha si Naya dahil sa kahihiyan. "Sorry talaga.
Lumipas ang mga araw sa mansyon pero bulong-bulungan na ang paparating na kasal nina Naya at Sylus. Sunod-sunod rin ang mga naging katanungan nina Ara, Joan, at Tessa sa kanya sa kwarto nila tuwing gabi. Ngunit kahit isa ay wala siyang binibigay na malinaw na sagot. Maski ang mayordoma nilang si Isabel ay nagtataka na rin dahil sa nalaman. "Naya, huwag ka nang maglinis diyan.." sambit nito nang makita si Naya, isang umaga, na naglilinis ng banyo. "Po?" Tumayo si Naya at lumapit kay Isabel. "Iba na lang ang paglilinisin ko niyan." "Pero, Miss Isabel, patapos na rin naman po ako—" "Hindi na. Pumunta ka na lang sa opisina ni sir Sylus. Kung gusto mo doon ka maglinis." Natigilan si Naya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi na siyang pinipigilang maglinis ni Isabel. Kapag nagpupumilit naman si Naya ay paglilinisin na lang siya sa kwarto o sa opisina ni Sylus. "Sige po," Habang naglalakad paalis doon ay napagtanto niyang tama nga si Sylus. Mag-iiba at ma
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara. Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya. "What are you doing here?" Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya. "Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit. "Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din. Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan. "I said what are you doing here in my house?" "Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo." "If you're not stupid, you will know the answer, Amara." "Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na
Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?" "Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi
Napaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to? "Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya? "Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin. "Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boy
"Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya. Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara. Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino iton







