Share

Chapter 1

Author: Eckolohiya23
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-02 20:42:57

Tatlong araw. Tatlong araw na ang nakalipas mula nang iwan ni Lucas si Sierra sa Isla ng San Lorenzo, ngunit para sa bilyonaryo, pakiramdam niya ay tatlong dekada na siyang nakakulong sa impyerno.

Ang 50th floor ng Altamirano Innovations Tower sa Maynila ay bumalik sa dati nitong anyo—malamig, tahimik, at walang buhay. Sa loob ng tatlong araw na iyon, walang ibang ginawa si Lucas kundi lunurin ang sarili sa trabaho. Hindi siya umuuwi sa kanyang penthouse. Hindi siya natutulog. Kape, alak, at mga kontrata lamang ang bumubuhay sa kanya. Pilit niyang ibinabaon sa isip ang katotohanang ginamit lamang siya ng babaeng pinakamamahal niya.

Ngunit gaano man niya pilitin, ang katawan at utak niya ay nagrerebelde.

Nakatayo si Lucas sa harap ng malawak na *floor-to-ceiling glass window*, pilit na pinapanood ang abalang trapiko sa ibaba. Bigla, nakaramdam siya ng matinding paninikip sa kanyang dibdib. Isang pamilyar at kinatatakutang pakiramdam.

*Asthma.*

Bata pa lang siya noong huling umatake nang ganito kalala ang hika niya—noong mga panahong naghahabulan sila ni Sierra sa maalikabok na kalsada ng probinsya. Akala niya ay tuluyan na niya itong nalagpasan, ngunit ang matinding *stress*, kawalan ng tulog, at ang nagwawalang emosyon sa kanyang dibdib ay tila nagsanib-pwersa para gisingin ang sakit na ito.

Napahawak si Lucas sa kanyang lalamunan. Isang malakas at paos na pag-ubo ang kumawala sa kanya. Sinubukan niyang huminga nang malalim, ngunit tila may mabigat na semento na nakadagan sa kanyang baga. *Wheezing.* Ang manipis at sumisipol na tunog ng kanyang paghinga ay umalingawngaw sa tahimik na opisina.

Nanlaki ang mga mata ni Lucas. Nagsimulang manlabo ang kanyang paningin dahil sa kakulangan ng oxygen. Mabilis siyang potang-potang naglakad papunta sa kanyang *glass desk*, ang mga kamay ay nanginginig na binuksan ang pinakailalim na *drawer* kung saan nakatago ang kanyang *emergency inhaler*.

Dahil sa panginginig ng kanyang mga daliri at sa tindi ng pagkahilo, nadulas ang maliit na *inhaler* mula sa kanyang kamay. Tumalbog ito sa marmol na sahig at gumulong sa ilalim ng mabigat na *leather sofa* sa gilid ng kwarto.

"D-Damn it..." paos na ungol ni Lucas. Napaluhod siya sa sahig, ang isang kamay ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang dibdib habang pilit na hinahabol ang hanging tila ipinagkakait sa kanya. Napapikit siya, ang pawis ay malamig na tumutulo sa kanyang noo. Pakiramdam niya ay katapusan na niya.

*Click.* Bumukas ang pinto ng opisina.

Pumasok si Sierra. Nakasuot siya ng isang simpleng puting t-shirt, *maong pants*, at bitbit ang kanyang lumang *sling bag*. Nakapasok siya sa building dahil hindi kinaya ng konsensya ni Marcus, ang Head of Security, na makitang nagkakaganito ang kanyang amo, kaya palihim nitong pinapasok ang dalaga. Handang-handa na sana si Sierra na sumigaw, na ibato sa mukha ng bilyonaryo ang tsekeng ibinigay nito, ngunit ang tanawing bumungad sa kanya ay nagpatigil sa pag-ikot ng kanyang mundo.

Nakita niya ang kinatatakutang *Ice Prince* na nakaluhod sa sahig, namumutla, nakahawak sa dibdib, at halos hindi makahinga.

"Lucas!"

Binitawan ni Sierra ang kanyang bag at mabilis na tumakbo palapit sa binata. Bumagsak siya sa kanyang mga tuhod sa mismong harapan ni Lucas. Agad na nagising ang kanyang *instinct* mula noong mga bata pa sila. Kabisado niya ang tunog na ito.

"Ang hika mo... inatake ka ng hika mo," natatarantang bulong ni Sierra, hinahawakan ang malamig at pawisang pisngi ng binata. "Nasaan ang gamot mo? Lucas, nasaan?!"

Itinuro ni Lucas ang ilalim ng sofa gamit ang nanginginig na kamay, ang kanyang mga mata ay nagmamakaawa, hindi bilang isang CEO, kundi bilang isang lalaking nangangailangan ng tulong.

Mabilis na dumapa si Sierra sa sahig, isiniksik ang kanyang braso sa ilalim ng sofa hanggang sa makapa niya ang maliit na *inhaler*. Mabilis siyang bumalik sa tabi ni Lucas, pinagpagan ang *mouthpiece*, at itinapat ito sa labi ng binata.

"Hinga nang malalim. Sabayan mo ang bilang ko," utos ni Sierra, ang boses ay matatag ngunit ang mga mata ay nag-uunahang maglabas ng luha. "Isa... dalawa... tatlo. *Press!*"

Pinindot ni Sierra ang *inhaler*. Humigop nang malalim si Lucas, hinahayaan ang gamot na pumasok sa kanyang nagkikipitang mga baga. Niyakap ni Sierra ang malapad na likod ng bilyonaryo, hinihimas ito nang pataas-pababa habang nakasubsob ang mukha ni Lucas sa balikat ng dalaga.

"Hinga, Lucas. Nandito na ako. Relax ka lang," pabulong na pagpapatahan ni Sierra, patuloy sa paghagod sa likod nito. Amoy na amoy ni Lucas ang pamilyar na halimuyak ng sampaguita at dagat—ang mismong amoy na tatlong araw na niyang pinapangarap.

Unti-unti, bumagal ang pagkabog ng dibdib ni Lucas. Lumuwag ang kanyang paghinga. Ang kulay sa kanyang mukha ay dahan-dahang bumalik. Ngunit imbes na kumalas sa pagkakayakap ni Sierra, mas lalo niyang idiniin ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga. Ang init ng katawan ni Sierra, ang lambot ng pag-aalaga nito, ay tila isang nakakaadik na drogang matagal niyang pinigilan.

Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa opisina. Tanging ang malalim na paghinga na lamang nilang dalawa ang naririnig.

Nang tuluyang makabawi si Lucas, biglang bumalik ang kanyang reyalidad. *Ang babaeng ito ang nanloko sa kanya.*

Sa isang mabilis at marahas na galaw, itinulak ni Lucas si Sierra palayo. Napaatras ang dalaga, gulat na gulat sa biglaang pagbabago ng timpla ng binata. Tumayo si Lucas, bagaman medyo nanginginig pa ang mga tuhod niya, at tiningnan nang masama ang dalaga mula sa itaas.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig, paos, at nanggigigil na tanong ni Lucas. Inayos niya ang magulo niyang *suit*, pilit na ibinabalik ang kanyang maskara. "Sino ang nagpapasok sa'yo? Sinabi ko nang ayaw na kitang makita!"

Tumayo si Sierra, hindi nagpatalo sa panlilisik ng mga mata ng binata. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao. "Kahit ipakaladkad mo pa ako palabas, hindi ako aalis hangga't hindi ko nasasabi sa'yo ang gusto kong sabihin. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa isla!"

"Wala nang dapat ipaliwanag, Sierra!" sigaw ni Lucas, hindi alintana ang bagong pagkirot ng kanyang lalamunan. Naglakad siya palapit sa dalaga hanggang sa maipit ito sa gilid ng *glass desk*. "Nakita ko ang mga mensahe mo. Nabasa ko kung paano mo binalak na paikutin ako para mabayaran ang utang mo! Anong gusto mong ipaliwanag? Na nagbago ang isip mo? Na minahal mo ako sa huling sandali para hindi magmukhang mura ang ibinayad ko sa'yo?"

*Pak!*

Isang malutong na sampal muli ang dumapo sa pisngi ng bilyonaryo.

Napaiyak si Sierra sa sobrang galit at sakit. Kinuha niya ang gusot na piraso ng papel mula sa bulsa ng kanyang *maong pants*—ang tseke na nagkakahalaga ng limang milyon. Marahas niya itong inihampas sa mismong dibdib ni Lucas.

"Iyan ang limang milyon mo! I*****k mo sa baga mo!" sigaw ni Sierra, ang mga luha ay nag-uunahan sa pagbagsak. "Oo, planado noong umpisa! Oo, ginusto kong gamitin ka dahil desperada ako para sa lupa ni Tatay! Pero Lucas... noong iniligtas mo ako... noong tiningnan mo ako at sinabing poprotektahan mo ako... nawala lahat ng plano ko. Ibinigay ko ang sarili ko sa'yo sa lagoon hindi dahil sa utang, kundi dahil mahal na mahal kita!"

Tinitigan ni Lucas ang tseke na nahulog sa sahig, at pagkatapos ay ang umiiyak na babae sa kanyang harapan. Ang hininga ng binata ay muling bumilis, hindi dahil sa hika, kundi dahil sa matinding pagnanasa at pagmamahal na pilit niyang binabaon ngunit ayaw mamatay.

"Mahal mo ako?" mapangutyang bulong ni Lucas, humahakbang nang napakalapit hanggang sa magdikit ang kanilang mga dibdib. Hinuli niya ang dalawang pulso ni Sierra at itinaas ito sa ibabaw ng ulo ng dalaga, idinidiin siya sa salamin ng bintana. "Kung mahal mo ako, bakit hindi mo sinabi ang totoo bago ko pa malaman sa iba? Bakit hinayaan mo akong magmukhang tanga?"

"D-Dahil natatakot ako na kapag nalaman mo, iiwan mo ako!" umiiyak na sagot ni Sierra, tinititigan ang mga mata ng binata. "At tama ako! Iniwan mo ako! Pero nandito ako ngayon, nakaluhod sa harapan mo, para patunayan na hindi pera ang habol ko sa'yo!"

Tinitigan ni Lucas ang namumula at basang mga labi ni Sierra. Ang kanyang utak ay sumisigaw na itulak ang dalaga palabas, na tawagin ang *security*. Ngunit ang kanyang katawan, na nanabik at nagutom sa loob ng tatlong araw, ay may sariling isip. Ang kanyang paningin ay bumaba sa leeg ni Sierra, kung saan mayroon pa ring malabong marka ng kanyang kagat mula noong huling pagkikita nila.

"Sinasabi mo bang totoo lahat ng ipinakita mo sa akin?" paos na bulong ni Lucas, ang kanyang mukha ay ilang milimetro na lamang ang layo sa mukha ni Sierra.

"Totoo," nanginginig na sagot ni Sierra, ang kanyang hininga ay humahalo sa hininga ng binata. "Subukan mo ako, Lucas. Parusahan mo ako kung gusto mo. Magagalit ka, isusumpa mo ako... pero hindi mo maipagkakaila na ako lang ang kailangan ng katawan mo."

Isang mababang ungol ang pinakawalan ni Lucas. Nawalan ng saysay ang lahat ng kanyang galit at pride. Binitawan niya ang mga pulso ni Sierra at marahas na hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga.

Sinalakay niya ang mga labi ni Sierra sa isang napakabagsik, galit, at mapang-angking halik. Hindi ito halik ng pagmamahal—ito ay halik ng isang lalaking uhaw, galit sa sarili dahil hindi niya kayang tiisin ang babaeng nanloko sa kanya.

Walang pag-aalinlangang tumugon si Sierra. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg ni Lucas, ibinubuhos ang lahat ng kanyang pag-ibig at paghingi ng tawad sa bawat paggalaw ng kanyang dila. Buong-lakas na binuhat ni Lucas si Sierra, at inupo ang dalaga sa ibabaw ng makintab na *glass desk*, nagpapalaglag sa mga papeles at tablet sa sahig.

"I hate you," nanggigigil na bulong ni Lucas sa pagitan ng kanilang mga mapupusok na halik. Mabilis niyang hinubad ang puting t-shirt ng dalaga at inihagis ito sa kung saan. "I hate that I can't breathe without you. I hate that I want you more than my own life."

"Akin ka na lang ulit, Lucas," daing ni Sierra, hinuhubad ang *suit jacket* ng bilyonaryo. "Saktan mo na ako. Saktan mo ako nang saktan hanggang sa mapatawad mo ako."

Sa gitna ng opisina sa ika-50 palapag, sa ilalim ng liwanag ng siyudad, ang *Ice Prince* at ang kanyang *Island Girl* ay muling nagliyab. Galit, pagmamahal, at matinding pagnanasa ang naglaban, nagpapatunay na kahit anong tindi ng yelo, kayang-kaya itong tunawin ng isang tunay at nag-aapoy na pag-ibig.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 141

    Makalipas ang dalawang taon. Ang malamig, madilim, at nakakakilabot na presensya ni Ethan Altamirano Jr. ay muling nagpatahimik sa buong executive boardroom ng Altamirano Holdings. Nakaupo ang dambuhalang CEO sa kabisera ng mahabang glass table, nakasuot ng kanyang pamilyar at walang-lukot na three-piece charcoal gray suit. Ang kanyang mga abong mata ay tila mga matatalim na punyal na nakatarak sa nanginginig na Marketing Director sa kabilang dulo ng mesa. Natahimik ang lahat ng board members. Ni walang naglakas-loob na huminga nang malakas o gumalaw sa kanilang mga upuan. Ang tensyon sa loob ng silid ay napakabigat, tila kayang pumiga ng hininga ng sinumang mahina ang loob. "Is this a joke to you, Mr. Santos?" malamig, madiin, at baritonong tanong ni Ethan. Dahan-dahan niyang inangat ang makapal na proposal folder na ipinasa sa kanya at walang-atubiling inihagis iyon pabalik sa gitna ng mesa. Ang malakas na tunog ng pagbagsak nito ay nagpapikit sa ilang mga ehekutibo. "L-Limang b

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 140

    Sa unang palapag ng dambuhalang mansyon sa Isla Altamirano, pilit na pinapakalma ni Ethan ang nagwawalang halimaw sa kanyang dibdib. Matapos niyang i-lock ang lahat ng main gates at i-activate ang highest level security protocol ng buong isla, nagtungo siya sa malawak na kusina.Kumuha siya ng isang mamahaling pilak na tray. Ipinatong niya roon ang isang bote ng pinalamig na champagne, dalawang crystal flutes, at isang mangkok ng sariwang strawberries. Subalit kahit abala ang kanyang mga kamay, ang kanyang isip ay tuluyan nang nilamon ng imahe ng kanyang asawa na naghihintay sa ikalawang palapag.Anim na buwan.Sa loob ng kalahating taon, kinailangan niyang magsuot ng maskara. Kinailangan niyang maging isang malamig at malupit na bilyonaryo habang ang babaeng pinapangarap niya ay nasa iisang bubong lamang, nakasuot ng itim at puting uniporme, nagkukuskos ng sahig at nagtitimpla ng kanyang kape. Ilang daang gabi siyang nagising na pawisan, pinipigilan ang sariling pumasok sa servant's

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 139

    Hindi na hinintay ni Ethan na matapos ang mahabang programa ng kanilang wedding reception. Nang sumapit ang hatinggabi, sa kalagitnaan ng pag-iinuman ng mga bilyonaryo at mga business tycoons sa loob ng Imperial Grand Ballroom, walang-pasabing hinila ng dambuhalang CEO ang kanyang bagong asawa palabas ng pasilidad.Naiwan si Mateo at ang mga tauhan nito upang asikasuhin ang mga bisita, habang sina Ethan at Corinne ay dumiretso sa naghihintay na Altamirano Private Jet sa isang pribadong hangar sa paliparan.Nakasandal si Corinne sa malambot na white leather seat ng eroplano. Nakapagpalit na siya mula sa kanyang mabigat na wedding gown patungo sa isang manipis, puting silk maxi dress na may malalim na slit sa gilid. Ang kanyang mahabang itim na buhok ay nakalugay, at ang kanyang paboritong asul na diyamante, ang Imperial Tear Sapphire, ay nananatiling nakasabit sa kanyang leeg.Sa kanyang harapan, nakaupo si Ethan. Nakahubad na ito ng kanyang suit jacket at ang unang tatlong butones ng

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 138

    Ang buong Maynila ay tila tumigil sa pag-ikot upang saksihan ang tinaguriang "Wedding of the Decade."Ang dambuhalang Grand Ballroom ng Imperial Hotel ay tila naging isang palasyo mula sa isang panaginip. Sinunod ng Vows & Veils Agency ang bawat utos ni Corinne. Ang buong paligid ay nababalot ng libu-libong puting orchids at white roses na bumabagsak mula sa kisame na parang talon, habang ang mga kumikinang na crystal chandeliers ay nagbibigay ng mainit at maharlikang liwanag. Ang mga detalye ng Royal Sapphire Blue ay makikita sa mga mamahaling tela na nakasabit sa paligid, sa mga centerpieces sa mga lamesa ng mga bisita, at sa mahabang carpet na lalakaran ng nobya.Limang daang bisita ang naroon, eksakto sa nais ni Corinne. Dinaluhan ito ng mga pinakamayayaman at pinakamaimpluwensyang tao sa Pilipinas at sa buong Asya. Mga pulitiko, bilyonaryo, business tycoons, at mga pamilyang kabilang sa high society. Lahat sila ay nakasuot ng kani-kanilang pinaka-eleganteng gowns at tuxedos.Sa i

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 137

    Dalawang linggo matapos ang makapigil-hiningang proposal sa ilalim ng mga bituin, ang tahimik na buhay sa loob ng Imperial Mansion ay napalitan ng isang matinding giyera. Hindi giyera ng mga baril at mersenaryo, kundi isang madugong sagupaan ng dalawang nagtataasang pride.Sa loob ng malawak na dining hall ng mansyon, nakaupo sa magkabilang dulo ng mahabang hapag-kainan ang dalawang pinakamakapangyarihang CEO sa bansa. Sa gitna nila ay ang tatlong pinakasikat at pinakamahal na wedding planners sa buong Pilipinas mula sa Vows & Veils Agency.Pawis na pawis ang head coordinator na si Miss Geneva. Akala niya, ang mag-organisa ng kasal para sa mga bilyonaryo ay isang pangarap. Hindi niya inasahang para siyang naipit sa isang board meeting kung saan parehong ayaw magpatalo ng kliyente niya."So, for the venue..." nanginginig na panimula ni Miss Geneva, palipat-lipat ang tingin kay Ethan at kay Corinne. "May naisip na po ba kayong lugar?""Imperial Hotel Grand Ballroom," mabilis, pormal, at

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 136

    Tila huminto ang ikot ng mundo sa ibabaw ng helipad ng Imperial Mansion. Ang malamig na simoy ng hangin na nagpapalipad sa mahabang itim na buhok ni Corinne ay hindi sapat upang palamigin ang naglalagablab na emosyon sa kanyang dibdib.Sa kanyang harapan, ang lalaking tinitingala at kinatatakutan ng buong mundo ng negosyo ay nananatiling nakaluhod. Si Ethan Altamirano Jr., ang dambuhalang CEO na kayang magpabagsak ng isang imperyo sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay, ay boluntaryong isinusuko ang lahat ng kanyang kapangyarihan at pride. Sa ilalim ng nagkikislapang mga bituin, tanging ang babaeng nasa harapan niya ang kanyang sinasamba.Humagulgol si Corinne. Ang mga luha ay walang-tigil na umaagos mula sa kanyang mga kayumangging mata, bumabagsak sa kanyang mga pisngi. Nanginginig ang kanyang buong katawan.Tinitigan niya ang pambihirang emerald-cut diamond na kumikinang sa loob ng itim na velvet box na hawak ng bilyonaryo. Ito ang huling piraso ng puzzle. Ito ang patunay na ang l

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 6

    Maingay at buhay na buhay ang pampublikong pamilihan ng Lopez, Quezon nang umagang iyon. Amoy ng sariwang isda, matamis na prutas, at bagong aning gulay ang sumasalubong sa mga mamimili. Sa gitna ng makipot at basang eskinita ng palengke, mahigpit na hawak ni Sierra ang maliit na kamay ni Dylan hab

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 5

    Ang simoy ng hangin sa bayan ng Lopez, Quezon ay malamig at amoy sariwang palay. Sa isang maliit ngunit maaliwalas na bahay na gawa sa semento at kahoy, abala si Sierra sa pag aayos ng mga bagong lutong pandesal at ensaymada sa mga garapon. Ang amoy ng mainit na tinapay ay pumupuno sa buong kusina,

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 4

    Alas dos ng madaling araw. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang kabuuan ng penthouse.Nakatayo si Sierra sa gilid ng malaking salamin sa kwarto, nakatingin sa sariling repleksyon. Suot niya ang isang manipis na *silk nightgown* na binili ni Lucas para sa kanya. Ang kanyang mga mata ay mugto at

  • Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince    Chapter 3

    Isang linggo.Pumapatak na ang ikapitong araw ni Sierra sa loob ng napakalawak at marangyang penthouse ni Lucas sa tuktok ng Altamirano Innovations Tower sa BGC. Sa labas, kitang-kita ang nagkikislapang mga ilaw ng buong siyudad, tila mga bituing nahulog sa lupa. Ngunit para kay Sierra, ang malamig

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status