<
Agad na napako ang mga mata ni Adrian kay Celestine. Namumula at dumudugo ang ibabang labi nito. Napalingon siya sa dalawang taong nasa tabi nito, si Marcus, ang ex-fiance ni Celestine, at si Bianca, ang stepsister ni Celestine. Alam niya agad kung sino ang may kagagawan. “Celestine…” tawag niya. Lumapit siya at marahang hinawakan ang baba ni Celestine para matingnan ang sugat. Kita ang pag-aalala sa mga mata ni Adrian. “Who did this to you?” “W-wala, sir. Okay lang ako,” pilit na sagot ni Celestine, halatang nahihiya at naguguluhan. Bago pa siya makapagsalita ulit, sumabat si Bianca na nakataas ang kilay at nakangisi. “Ako ang sumampal sa kanya. And so what? She deserves it.” Nanlaki ang mga mata ni Adrian at bahagyang kumuyom ang kamao. Ramdam ang panginginig ng galit sa kanyang boses. “How dare you touch her.” Naglakad siya papalapit kay Bianca, malamig ang titig. Napaatras si Bianca, halatang kinabahan pero nagpupumilit maging matapang. “Adrian, don’t act like you care
Agad na napako ang mga mata ni Adrian kay Celestine. Namumula at dumudugo ang ibabang labi nito. Napalingon siya sa dalawang taong nasa tabi nito, si Marcus, ang ex-fiance ni Celestine, at si Bianca, ang stepsister ni Celestine. Alam niya agad kung sino ang may kagagawan. “Celestine…” tawag niya. Lumapit siya at marahang hinawakan ang baba ni Celestine para matingnan ang sugat. Kita ang pag-aalala sa mga mata ni Adrian. “Who did this to you?” “W-wala, sir. Okay lang ako,” pilit na sagot ni Celestine, halatang nahihiya at naguguluhan. Bago pa siya makapagsalita ulit, sumabat si Bianca na nakataas ang kilay at nakangisi. “Ako ang sumampal sa kanya. And so what? She deserves it.” Nanlaki ang mga mata ni Adrian at bahagyang kumuyom ang kamao. Ramdam ang panginginig ng galit sa kanyang boses. “How dare you touch her.” Naglakad siya papalapit kay Bianca, malamig ang titig. Napaatras si Bianca, halatang kinabahan pero nagpupumilit maging matapang. “Adrian, don’t act like you care.
After mag-positive ang pregnancy test, hindi mapakali si Celestine. Gusto niyang makasigurado kung totoo nga ba ang iniinda niya. Kaya kinabukasan, nagpunta siya sa hospital para magpa-consult.Habang hinihintay niya ang doctor, halos malaglag ang puso niya sa kaba. Pagpasok niya sa clinic, agad siyang tinanong ng doctor.“Anong concern mo, iha?”“Doc… I took a PT yesterday, positive siya. Gusto ko lang po makasigurado kung… buntis talaga ako,” mahina niyang sagot.Nagpa-check up siya, may tests na ginawa, at di nagtagal ay kinumpirma rin ng doctor.“Congratulations, Celestine. You’re pregnant. Make sure na magpahinga ka at iwasan ang stress, ha?” sabi ng doctor habang inaabot ang reseta.Tumango lang si Celestine. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak. Tahimik siyang lumabas ng clinic, bitbit ang reseta at ang bigat ng sikreto niya. Hindi niya alam, may mga matang nakakita sa kanya.Nasa hallway kasi si Bianca, ang step-sister niya. Nakakunot ang noo nito habang pinapanood
Pag-uwi ni Celestine galing work, hindi muna siya dumiretso sa condo niya. Dumaan muna siya sa pharmacy para bumili ng pregnancy test. Habang hawak niya ang maliit na kahon, ramdam niya ang kaba sa dibdib niya. “Paano kung…?” naiisip niya habang pinipilit huwag mag-panic.Pagpasok sa bahay, diretso siya sa banyo. Hinanap niya ang tuwalya upang maayos niyang mailatag ang test kit. Binuksan niya ang kahon at inilabas ang stick kasama ang instruction manual. Binasa niya ito ng mabuti—“Step 1: I-dip ang test stick sa ihi mo for 5 seconds.”Nagsuot siya ng gloves, kahit alam niyang over-prepared na ito, at dahan-dahang nilagay ang stick sa cup ng ihi. Counting every second, ang puso niya ay parang tumatalon sa dibdib niya. “1… 2… 3… 4… 5,” bumulong siya sa sarili habang inaalala ang bawat scenario sa isip niya.Pagkatapos, inilagay niya ang stick sa flat surface at tiniyak na stable ito. Sunod, sinunod niya ang instruction: “Wait for 3 minutes.” Tatlong minuto na parang tatlong oras ang ta
Ilang linggo na rin ang lumipas mula nung may nangyari sa amin. At sa totoo lang, pilit kong ibinabaon sa isip ko na wala lang ‘yon. Normal life lang ulit — work, deadlines, at chikahan with officemates. Pilit kong ibinalik sa normal ang buhay ko. Sa office, iwas pa rin ako kay Boss, acting as if nothing happened. At sa bahay… well, mas pinili kong umiwas din. Hindi pa ako handang harapin yung tungkol sa fiance at sa stepsister ko.Pero kahit anong iwas ko, hindi ko maitago sa sarili ko na may nagbago. Tuwing dumadaan siya sa harap ng cubicle ko, ramdam ko ang bigat ng tingin niya, o baka ako lang ang nag-iisip.Pero nitong mga araw na ‘to, may mga nararamdaman akong kakaiba. Minsan bigla akong napapagod kahit konti lang naman ang ginawa ko. May time din na parang nahihilo at inaantok ako. Sabi ko sa sarili ko, baka stress lang o kulang sa tulog. Ayokong isipin na baka… buntis ako.Pero habang lumilipas ang mga araw, lalo lang lumalakas ang hinala ko. Lalo na nang mapansing wala pa
Kinabukasan, para akong lutang. Hindi pa rin ako makapaniwala na kung paano nangyari na napunta ako sa hotel kasama ang boss ko. One night stand lang yun—pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? habang nasa kotse papuntang office, hindi ko mapigilan ang kaba. Paano ko siya haharapin? Siya yung taong sinusunod ko sa trabaho, pero nung isang gabi… ibang klase yung nangyari.Pagdating ko sa office, ramdam ko ang kakaibang bigat ng hangin. Ang tunog ng telepono, yabag ng mga sapatos, kaluskos ng papel—parang dumoble ang lakas sa pandinig ko. Para bang may spotlight na nakatutok sa akin, kahit wala naman. parang lahat ng tao normal lang. Nagtatawanan, busy sa reports, may kape sa tabi. Ako lang yata yung hindi normal. Pakiramdam ko parang ang daming mata ang nakatingin sakin kahit alam kong wala namang may alam. Maybe it was just me, guilty lang ako.Huminga ako nang malalim bago pumunta sa desk ko. Act normal, Celestine. Wala lang ‘yon. Wala lang. Paulit-ulit ko itong mantra sa i