INICIAR SESIÓNCHAPTER FIFTEEN Gumising si Samantha sa tunog ng ulan na tumatama sa bintana ng kanyang maliit na apartment. Hindi na siya lumingon. Alam niyang nasa tabi pa rin si Lucas dahil sa bigat ng kanyang braso na nakapulupot sa kanyang baywang.Hindi na siya nagtaka. Sa mga nakaraang gabi, dito na natutulog si Lucas. Hindi na siya naghhotel. Hindi na siya umuuwi sa mansyon ng kanyang ama. Dito na siya sa maliit na apartment ni Samantha, sa East London, kung saan ang kisame ay may konting bitak at ang ingay ng tren ay maririnig tuwing gabi.Pero dito rin siya tahimik."Gising ka na," bulong ni Lucas, ang kanyang boses ay paos dahil kagigising lang."Paano mo nalaman?""Because your breathing changed."Ngumiti si Samantha. Lumipas ang ilang segundo na pareho silang tahimik, nakikinig sa ulan, sa hangin, sa tibok ng kanilang mga puso na magkadikit."Lucas," tawag niya."Hmm?""Alas sais pa lang. Bumalik ka sa pagtulog.""Hindi na ako makatulog. Iniisip ko kung ano ang kakainin mo ngayong umaga
CHAPTER FIFTEEN Tatlong araw silang nag stay sa maliit na bayan sa Germany.Hindi naging madali ang mga araw na iyon. Si Matthias ay tahimik karamihan ng oras. Si Lucas ay hindi marunong makipag usap nang hindi tungkol sa negosyo o pera. Si Helga ay nasa gilid lang, naghahanda ng pagkain, hindi nakikialam, naghihintay kung kailan siya kailangan ng kanyang anak.At si Samantha, siya ang naging tulay sa pagitan ng dalawang magkapatid na hindi sanay sa isa't isa."Bakit hindi mo siya tanungin tungkol sa trabaho niya?" sabi ni Samantha kay Lucas isang gabi habang nasa kwarto sila."Anong itatanong ko? Marunong ba siyang mag ayos ng makina? Hindi ako marunong nun.""Eh di tanungin mo kung gusto niyang mag negosyo. Baka gusto niyang magkaroon ng sariling shop.""Ayaw niya ng pera ko. Sinabi na niya iyon.""Hindi pera mo ang ibigay mo. Suporta. Connections. Turuan mo siya kung paano lumago ang kanyang kita nang hindi mo siya binibigyan ng limos."Tiningnan ni Lucas si Samantha. "Paano mo na
CHAPTER FOURTEEN Hindi nakatulog si Samantha sa buong flight papuntang Germany. Hindi dahil sa turbulence o sa ingay ng makina ng eroplano. Dahil sa kaba. Sa unang pagkakataon, hindi siya ang haharap sa panganib para sa sarili niya. Sa pagkakataong ito, kasama niya si Lucas. At ang dinadala niya ay hindi lang sarili niyang buhay kundi ang buhay ng anak nila.Nasa tabi niya si Lucas, nakatitig sa bintana ng eroplano kahit wala namang makita kundi ulap. Hindi nagsalita si Lucas mula nang lumipad sila mula London. Alam ni Samantha na hindi ito dahil sa galit o pagod. Nag iisip lang siya. Pinaghahandaan ang posibleng mangyari sa susunod na ilang oras."Lucas," tawag ni Samantha.Tumigil si Lucas sa kanyang pagtitig. Dahan dahan siyang lumingon."Oo?""Anong gagawin natin pagdating natin doon?""Hindi ko alam.""You don't know?" Hindi mapigilan ni Samantha ang pagtaas ng kanyang boses. "Lucas, pumayag akong sumama sa iyo sa ibang bansa na walang kasiguraduhan. Walang hotel na nakareserba.
CHAPTER THIRTEEN Isang linggo ang lumipas mula nang punitin ni Samantha ang tseke ni Robert Menez. Isang linggo ring hindi nagpakita o nagparamdam si Robert. Pero alam ni Samantha na hindi iyon nangangahulugang tumigil na ito. Ang katahimikan bago ang bagyo ay palaging pinakamatakot.Si Lucas ay abala sa paghahanap ng bagong trabaho. Tatlong kompanya na ang kinausap niya pero lahat ay biglang nagbago ang isip pagkatapos ng isang tawag. Hindi niya kailangang hulaan kung sino ang nasa likod ng mga biglaang pagbabagong iyon."Baka kailanganin kong magtayo na lang ng sarili kong kompanya," sabi ni Lucas isang gabi habang kumakain sila ng hapunan sa maliit na apartment ni Samantha."May puhunan ka pa ba?" tanong ni Samantha."May konting ipon. Hindi kalakihan pero pwede na pang simula.""Anong klaseng kompanya?""Anything. Basta hindi ko kailangan ng tatay ko para magtagumpay."Tiningnan ni Samantha si Lucas. Sa isang linggo, kitang kita niya ang pagod sa kanyang mukha. Pero hindi nawala
CHAPTER TWELVE Hindi nagsalita si Lucas sa buong biyahe pauwi. Nakatitig lang siya sa kalsada habang si Samantha ay nasa passenger seat. Hindi siya nagpunta sa sarili niyang sasakyan. Sa halip, siya ang nagmaneho ng kotse ni Samantha pauwi sa kanyang maliit na apartment sa East London.Hindi alam ni Samantha kung ano ang sasabihin. Kanina sa conference room, buo ang loob ni Lucas. Ngayon, tila ang bigat ng kanyung katahimikan ay parang bagyong hindi pa lumalabas.Pagdating nila sa apartment, binuksan ni Samantha ang pinto. Pumasok si Lucas. Hindi siya umupo. Tumayo lang siya sa gitna ng maliit na kwarto na para bang hindi niya alam kung saan ilalagay ang sarili."Lucas," tawag ni Samantha. "Umupo ka."Umupo siya sa maliit na sofa. Pero hindi siya sumandal. Nanatiling tuwid ang kanyang likod, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod."Samantha," he finally said. His voice was quiet. "Wala na akong trabaho.""Hindi ka pa naman opisyal na nagre-resign.""I said it in front o
CHAPTER ELEVENPagpasok ni Samantha sa opisina kinabukasan, alam niyang may mali.Tahimik ang paligid. Hindi yung normal na tahimik sa umaga kundi yung tipong may naghihintay na masamang balita. Si Chloe ay wala sa kanyang mesa. Ang mga katrabaho niya ay hindi tumitingin sa kanya. May kanya kanya silang hawak na papel o kaya ay nakatitig sa mga monitor na para bang doon nakasulat ang sagot sa kung anong problema.Bumagal ang kanyang paglalakad. Pakiramdam niya ay may mga matang nakamasid sa kanya mula sa bawat sulok.Pagdating niya sa kanyang cubicle, nakita niya ang isang puting folder na nakapatong sa kanyang keyboard. Walang pangalan. Walang tatak. Binuksan niya ito at agad nanlamig ang kanyang mga kamay."Notice of Administrative Investigation"Laman ng folder ang isang sulat mula sa Human Resources. Ayon dito, may reklamong isinampa laban sa kanya. Grave misconduct. Paglabag sa company policy tungkol sa personal relationships sa loob ng opisina. At pangongopya ng confidential doc







