Novel
Cerita Pendek

Genre

Romance×
Semua
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Karakter

36
Billionaire×
Semua
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Badgirl
Twins
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Tampilkan lebih banyak

Alur & Latar

40
Revenge×
Semua
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Tampilkan lebih banyak

Tema

13
Contemporary×
Semua
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Tampilkan lebih banyak

Novel Web Romance & Cerita Billionaire Revenge Contemporary

Jelajahi novel Romance dan novel web dengan tokoh Billionaire, latar Revenge, dan konten Contemporary. Temukan cerita menarik secara online dan temukan bacaan Anda berikutnya.
Filter dengan

Isi kata
Semua<30k30k-50k50k-100k>100k
Sortir dengan

PopulerRekomendasiRatingDiperbarui
THE SUBSTITUTE WIFE: A GAME OF LIES - Romance novel & cerita
KENJI
Isang gabi ng matinding pagsubok, nawalan ng tahanan, trabaho, at ng lalaking pinagkatiwalaan si Yvaine Tordesillas. Nang akala niya ay wala nang mas sasama pa sa sitwasyon niya, isang aksidente sa kalsada ang naglapit sa kaniya kay Kenzo De Asis—isang cold at calculating tech billionaire na may sariling malalim na galit. Si Kenzo ay naghahanap ng solusyon para sa isang misteryosong kaso na pumatay sa kapatid nito, habang si Yvaine naman ay may taglay na kakaibang kakayahan na makita ang huling alaala ng mga patay gamit lamang ang kanilang mga naiwang gamit. Mula rito, isang mapanganib na kasunduan ang nabuo: kailangang magpanggap ni Yvaine bilang ang pumanaw na asawa ng CEO para pumasok sa loob ng high-society at alamin kung sino ang nagtaksil. Ngunit habang unti-unting nabubunyag ang mga sikreto sa likod ng malaking kumpanya at ng sarili niyang pinagmulan, unti-unting mabubura ang hangganan sa pagitan ng pekeng relasyon at ng totoong nararamdaman. Sa mundong puno ng pekeng pagkatao at mga nakatagong panganib, hanggang kailan nila maitatago ang totoo?
84
The Billionaire's Fake Wife, Real Secret - Romance novel & cerita
ROBI
Iniwan sa harap ng altar at pinahiya sa publiko—iyan ang naging simula ng bangungot sa buhay ni Saffron. Ang dating pinapangarap na kasal ay nauwi sa isang malaking iskandalo dahil sa pagtataksil ng kanyang ex-fiancé at matalik na kaibigan. Bukod pa rito, iniwan din sila ng kanyang pamilya sa gitna ng sunud-sunod na utang at kawalan. Pero sa gitna ng pagkalugmok, isang hindi inaasahang alok ang dumating mula sa pinakakilalang bilyonaryo sa siyudad—si Alec Salvatiera. Isang taong kilala sa pagiging malamig at may sarili ring galit sa mundo. Ang kasunduan: magpapanggap silang mag-asawa sa loob ng isang taon para makaganti sa mga taong umapi sa kanila. ​Walang halong emosyon. Walang mahuhulog. Strictly business lang ang lahat. Sa bawat araw na kailangan nilang magpanggap sa harap ng media at ng high society, unti-unting nabubura ang hangganan ng laro at ng totoo. Paano kung ang kasunduang ginawa nila para makaganti ay maging dahilan para mahulog sila sa isa't isa, habang may mga sikretong unti-unting nabubunyag sa likod ng kanilang kasal?
69
The CEO's Accidental Mistress - Romance novel & cerita
KAYE
Limang taon. Iyon ang panahong ibinigay ni Marisse sa isang malaking architectural project na pinaghirapan niyang buuin mula sa simula. Pero sa isang iglap, lahat ng sakripisyo niya ay inangkin ng sarili niyang boss at dating kasintahan. Hindi pa roon natapos ang lahat. Inakusahan pa siyang nagbenta ng kumpidensyal na mga dokumento, dahilan para masira ang kanyang reputasyon at tuluyang mawala ang career na matagal niyang pinaghirapan. At habang pilit niyang pinipigilang tuluyang bumagsak, nakikipaglaban naman sa buhay ang kanyang ina sa ospital. Wala nang natira kay Marisse. Wala siyang trabaho, pera, o sinumang mapagkakatiwalaan. Hanggang sa makilala niya si Vaughn Tiongson, isang makapangyarihang bilyonaryong may sarili ring problemang kailangang solusyonan. Isang pekeng relasyon ang naging sagot sa problema nilang dalawa. Si Vaughn ang magbibigay ng proteksyon at tutulong kay Marisse na linisin ang kanyang pangalan. Kapalit nito, kailangan niyang gampanan ang papel ng babaeng kayang bihagin ang puso ng isang bilyonaryo. Simple lang ang usapan. Walang totohanan. Walang emosyon. At higit sa lahat, walang iibig. Pero paano kung sa bawat halik, yakap, at sandaling magkasama sila, unti-unting nagiging totoo ang lahat? Habang mas lumalalim ang kanilang relasyon, mas maraming lihim ang nabubunyag. At sa likod ng mga kasinungalingan, may katotohanang posibleng sumira sa kanilang dalawa. Dahil minsan, ang pinakamapanganib na laro ay ang larong hindi mo namamalayang puso mo na pala ang nakataya. Kapag natapos ang kontrata, kaya pa kaya nilang magpanggap na walang nangyari? O pareho na silang mahuhulog sa bitag na sila mismo ang gumawa?
112
Bound to the Enemy CEO - Romance novel & cerita
ARAGONES
Limang taon na ang nakalipas nung pilit na tinapos ni Celestina "Tina" Roxas ang relasyon nila ni Inigo—ang lalaking pinakamamahal niya. Para kay Inigo, ginawa 'yun ni Tina dahil sa pera. Pero ang totoo, 'yun lang ang tanging paraan para mailigtas ni Tina ang pamilya niya. Ngayon, sagad na sa hirap ang buhay ni Tina. Sa sobrang pangangailangan sa pera, nag-apply siya bilang Personal Assistant sa isang sikat na kumpanya. Pero mapaglaro ng tadhana—ang dating mahirap na lalaking minahal at itinaboy niya noon, isa nang napakamakapangyarihang CEO ngayon. At nasa kamay na nito ang kaniyang kapalaran. Tinanggap siya ni Inigo sa trabaho—hindi dahil sa awa, kundi para pahirapan at iparamdam sa kaniya ang impyernong pinagdaanan nito nang iwan siya. Sa gitna ng galit, paghihiganti, at matinding atraksyong hindi maitatago, kaya pa kaya nilang takpan ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang wawasakin ng mga lihim na hindi pa nasasabi?
221
DIVORCING HIM, MARRYING HIS BILLIONAIRE UNCLE - Romance novel & cerita
SoleReign
"Isang gabing hindi niya inaasahan, isang lalaking hindi niya dapat magustuhan." Matapos ang ilang taong pagsasakripisyo para sa asawa niyang si Marcus, natuklasan ni Clara na hindi lang ito nagtaksil sa kanya kundi inangkin pa ang mga proyektong siya mismo ang gumawa. Pagod na siyang magtiis, kaya nagdesisyon siyang tapusin na ang lahat. Pero ang hindi niya inaasahan, ang isang gabing nagpakalasing siya sa isang underground club para makalimot ay mauuwi sa isang gabing kasama ang bilyonaryong tiyuhin ng asawa niya na si Ethaniel Villaroman. Habang pilit na kinakalimutan ang nangyari sa gabing iyon, sinisikap ni Clara na simulan ulit ang career niya bilang corporate strategist. Nagpadala siya ng resume sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, na pag-aari mismo ni Ethaniel. Sa gitna ng mga pagtatangka ni Marcus na pigilan siyang tuluyang umalis at ng mas madalas na pagkikita nila ng malamig at misteryosong CEO, determinado si Clara na bumangon at patunayan ang sarili. Sa pagkakataong ito, hindi niya kailangang gumawa ng eskandalo para makaganti. Gusto lang niyang patunayang kaya niyang talunin ang mga taong minsang umapi sa kanya. Paano ka tuluyang makakawala sa isang kasal na matagal nang sira kung ang lalaking hindi mo inaasahang makilala ay siya ring taong mas lalo pang magpapagulo sa buhay mo?
10
105
My Boss, My Secret Enemy - Romance novel & cerita
StoryVeil
Elena Santos lost everything when her father's company collapsed. Desperate, she takes a job under ruthless CEO Adrian Cross — never knowing he caused her family's downfall. He hired her on purpose. As secrets unravel, hatred turns into something far more dangerous. Some enemies were never really enemies at all.
254
Chasing His Pregnant Ex-Wife - Romance novel & cerita
MAGWAN
Sa gabi ng kanilang unang wedding anniversary, nagbago ang ikot ng mundo ni Ysabella De Salcedo. Sa halip na ipagdiwang ang kaniyang lihim na pagbubuntis, pinalayas siya ng kaniyang cold at billionaire na asawa—si Lysander Montenegro—sa gitna ng malakas na ulan kasama ang mga peke at gawa-gawang ebidensya ng pagtataksil. ​Dala ang basag na puso at ang matinding kagustuhang protektahan ang kaniyang dinadala, nagpasyang maglaho si Ysabella sa paningin ng mundo. Pinalabas niyang patay na siya upang tuluyang makatakas mula sa piling ng mga taong sumira sa kaniyang buhay. ​Apat na taon ang nakalipas. Si Ysabella ay nagbalik na bilang si Bella Salcedo—isang matagumpay, palaban, at kilalang architectural designer, at mag-isang itinaguyod ang kaniyang cute at matatalinong kambal na sina Lucas at Luna. ​Ngunit nang mag-cross ulit ang landas nila ni Lysander para sa isang billion-dollar business project, natuklasan ng billionaire CEO ang katotohanang matagal nang itinago sa kaniya. ​Ngayong nakita na uli ng dating asawa ang kaniyang mga anak, kakayanin ba ni Ysabella na harangan ang lalaking desperado nang makuha silang muli? O mas lalo niyang ipapadama rito ang matinding pagsisisi para sa nakaraang pagkakamali nito?
168
My Rebirth, Their Biggest Regret - Romance novel & cerita
Janey Does
‎Pinatay nila ako dahil may gusto silang agawin. Ngunit, binuhay ako muli ng tadhana para makapaghiganti. ‎ ‎***** ‎ ‎Sa gabing idinaraos ang tradisyonal na pagpili ng magiging kabiyak, nagtapos ang buhay ni Aria nang matagumpay siyang paslangin ng kanyang sariling stepmother at half-sister. Ngunit bago pa man ito nangyari, natuklasan muna niyang araw-araw palang nilalason ng mga ito ang kanyang ama, at may balak pang kamkamin ang lahat ng kayamanan at ari-arian ng pamilya nila. ‎ ‎Sa hindi inaasahang pagkakataon, binigyan si Aria ng pangalawang buhay at ibinalik mismo sa sandali ng pagpipili ng mapapangasawa. Ngayong may alam siya sa masamang hangarin ng mag-ina, dito na niya binago ang tadhana para makapaghiganti. Sadya niyang pinili ang lalaking nilalait at minamaliit ng lahat na si Khamir, na lihim palang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa buong mundo. ‎ ‎Pinakasalan niya ito hindi lamang para sa pag-ibig, kundi sa isang kapangyarihang magpapabagsak sa mag-ina. At dito na magsisimula ang pinakamalaking pagsisisi ng mga taong umapi sa kanya.
146
After The Divorce, I Became A Billionaires Wife - Romance novel & cerita
Charlie
Sa ikaapat na taon ng kanilang pagsasama ay saka lamang natuklasan ni Althea na may ibang pamilya pala ang asawa niyang si Xavier. Mas masakit pa nang malaman niyang ang batang buong akala niya ay pamangkin niya ay anak pala ni Xavier at ng adopted sister nito. Ibig sabihin, habang abala si Althea sa pagiging mabuting asawa ay matagal na pala itong may sarili pamilya. Kaya sa araw ng paglulunsad sa stock market ng bagong kumpanya ni Xavier ay hindi pagbati ang ibinigay ni Althea sa celebration banquet. Isang divorce agreement. Akala ni Xavier ay galit lang si Althea at lilipas din iyon. Sigurado siyang babalik din ito sa kanya kapag napagtanto nitong hindi nito kayang mabuhay nang wala siya. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Althea. Ilang araw matapos ang kanilang diborsyo ay inanunsyo nitong magpapakasal sya. Hindi iyon matanggap ni Xavier dahil akala nya ay may pagkakataon pa siyang mabawi si Althea. Hanggang sa inilabas ang listahan ng pinakamayayamang tao sa bansa. At sa pinakatuktok ng listahan ay nakita niya ang isang pamilyar na pangalan at mukha, at doon niya napagtanto kung sino talaga ang lalaking pinakasalan ni Althea.
10
312
Never Provoke A Billionairess - Romance novel & cerita
CelestielleEmpress
Ipinagbili si Patricia ng kanyang mga magulang sa halagang 20 milyong piso. Nakaraan ang labinlimang taon, siya na ngayon si Yasmine Villafuente, ang nag iisang tagapag-mana ng Villafuente, ang self-made billionairess galing Paris, at CEO ng Valeroux Jewelry. Sa araw ng pagharap ni Yasmine sa publiko, malalaman niya na ang stepsister pala niya ang ambassador ng Jewelry company niya. Ngayon na haharap na siya sa mga magulang niyang ipinagbili siya at pinili ang stepsister niya, si Yasmine Villafuente na ang haharap sa kanila at hindi na si Patricia Castillo.
230
My Husband's Billionaire Brother Wants Me  - Romance novel & cerita
nerdy_ugly
Akala ni Arabella, magiging masaya ang buhay niya sa piling ni Nathaniel Del Fuego. Ngunit isang bagay ang hindi niya inaasahan. Kahit kasal na sila, hindi kailanman nagpakita ng pagmamahal sa kaniya ang sariling asawa. Nang matuklasan niya ang pagtataksil nito, unti-unti ring gumuho ang mundong pinangarap niyang buuin. Ngunit sa gitna ng kaniyang pagdurusa, isang lalaking hindi niya dapat mahalin ang kusang lumapit sa kaniya. Si Alexander Del Fuego, ang bilyonaryong nakatatandang kapatid ng kaniyang asawa. Handa ba siyang suwayin ang lahat para sa isang pag-ibig na ipinagbabawal? At paano kung ang lalaking dapat niyang layuan ang siya palang magbibigay sa kaniya ng pagmamahal na matagal niyang hinintay?
83
Reborn As a Wife of My Gay Best Friend - Romance novel & cerita
Mayonaka_Kisaki
“I want him! Yes, him! I want to marry my gay best friend!” Lahat ay natigilan at nagulat sa isinigaw ni Vanessa. Hindi makapaniwala ang lahat dahil alam ng pamilya kung gaano niya kamahal si Hendrix. Pero ngayon, halos ipagsigawan niya na gusto niyang makasal sa kaniyang best friend—na isang bading pa? “Dmn! Are you stpid?” galit na asik ni Hendrix kay Vanessa. “I didn’t know na ganito ka kadesperada sa pagpapapansin sa akin. Magpapakasal ka sa isang bading to get back at me? Sa tingin mo ba hahabulin kita? Never in your wildest dreams, Vanessa!” Walang kaabog-abog na sabi ni Hendrix habang bakas sa mukha nito ang labis na kaarogantehan. “I changed my mind. I don’t want you anymore. Mas gusto ko na si best—I mean, si Darius. I want him... only him.” Tahimik namang nakatayo sa gilid ng malaking glass window na may gold frame si Darius, hindi pa rin makapaniwala sa naririnig. Inikot-ikot niya ang alak sa hawak niyang wine glass habang napapaisip. “What the f*ck? Why me?” Bakit nga ba? Why did Vanessa choose Darius—her gay best friend—kaysa sa lalaking sobra niyang minahal mula pagkabata?
10
88
SANA AKO PA RIN ANTON - Romance novel & cerita
Trendsterchum Chronicles
Isang halik ang nagwasak sa plano mong pakasalan ang babaeng una mong minahal. Isang kontrata ang nagkulong sa akin sa mundong ikaw ang hari and I was nothing but your punishment. Pero paano nang ang babaeng ipinangako mong hindi mamahalin ay siya palang magiging kahinaan mo? Sa bawat away, asaran, at yakap na hindi dapat lumalim, nahulog ako sa lalaking walang karapatang angkinin ang puso ko. You made me feel chosen, Anton. You made me believe that maybe, just maybe, I was finally someone’s first choice. Hanggang bumalik siya. Ang babaeng nauna sa akin. Ang babaeng minsan mong gustong pakasalan. At bigla akong naging estranghero sa sarili kong love story. Tell me, Anton, was I ever your greatest love or just the woman who kept your bed warm while you waited for her return? Dahil kung kailangan kong mawala para mapagtanto mong mahal mo ako, sana hindi pa huli ang lahat. Sana ako pa rin, Anton. Pero paano kung sa pagkakataong piliin mo ako, wala na akong pusong maibibigay sa iyo?
10
107
In My Father-in-law's Bed - Romance novel & cerita
Senyorita
Dalawang linggo bago ang inaasam na kasal, gumuho ang mundo ni Marvie nang mahuli niya ang kanyang fiancé na nakikipagtalik sa mismong matalik niyang kaibigan. Wasak at desperadang makalimot, nagtungo siya sa isang bar at nagpadala sa tukso ng isang mainit na gabi kasama ang isang misteryosong estranghero. Sa mga bisig ng matipunong lalaki, naramdaman niya ang pag-aalaga at pagnanasa na pansamantalang bumura sa kanyang nararamdamang sakit, umaasang ang gabing iyon ay mananatili na lamang isang lihim na pagkakamali. Ngunit mapaglaro ang tadhana, dahil kinabukasan ay sumampal sa kanya ang isang nakakagimbal na katotohanan: ang estrangherong umangkin sa kanya ay walang iba kundi ang makapangyarihang bilyonaryong si Harvey Aranas, ang mismong ama ng kanyang ex-fiancé. Pilit mang takasan ni Marvie ang nagbabadyang eskandalo, walang balak si Harvey na pakawalan siya. Sa gitna ng pagtataksil at mapanganib na tukso, paano niya tatakasan ang lalaking pilit siyang ikinukulong sa isang makasalanang yakap?
10
230
The CEO's Revenge Bride - Romance novel & cerita
NALYN
Isinuko ni Kiera Alcantara ang lahat para sa lalaking pinakamamahal niya, pero sa araw mismo ng kanilang kasal, isinuot ng ex-fiancé niya ang engagement ring sa ibang babae at pinalayas siya nang walang dala. Ubos na ang luha niya at wala nang natitirang dignidad para magmakaawa pa. Sa gitna ng pinakamahirap ng buhay niya, nakilala niya si Stefan Esguerra—ang bilyonaryong mailap sa media na pinipilit ding ipakasal sa isang pamilyang gustong mang-agaw ng kumpanya nila. Para protektahan ang sarili at pigilan ang panlalamang ng iba, nagkasundo silang magpakasal sa papel. Walang pagmamahalan, walang pangako ng tadhana—purong kasunduan lang ng dalawang taong gustong lumaban. Pero nangyari ang hindi inaasahan nang magtagpo ang landas nila sa isang malaking social event. Gamit ang bagong pangalan at ang pinakamakapangyarihang lalaki sa tabi niya, sisimulan ni Kiera ang pagbabalik para ipakita sa mga taong tumapak sa kanya kung sino talaga ang sinayang nila.
76
The Billionaire's Proxy Bride - Romance novel & cerita
NICOLE
Matapos siyang itakwil ng sarili niyang pamilya at ipagkanulo ng nobyo para sa pera at mana, akala ni Elliana Montecastro ay nasa pinakababa na siya ng kanyang buhay. Pero ang tanging paraan para makatakas sa utang at kahihiyan ay ang pumayag sa isang hindi inaasahang kasunduan: ang maging asawa sa papel ng isang bilyonaryong nasa comatose dahil sa isang malubhang aksidente. Ang akala niya ay simpleng trabaho lang ito ng pagbabantay sa ospital. Subalit sa araw ng mismong seremonya, biglang nagising ang lalaking pinakasalan niya—at galit na galit ito sa pagpapasya ng kanyang pamilya nang walang pahintulot. Sa gitna ng galit at pagdududa, magkasama nilang matutuklasan na ang aksidenteng nagpabagsak kay Kaelen at ang panlolokong sumira sa buhay ni Elliana ay iisa ang ugat. Hindi ito kwento ng pag-ibig sa unang tingin kundi isang delikadong alyansa ng dalawang taong gustong maghiganti. Sa isang mundong pinatatakbo ng pera, kapangyarihan, at mga traydor sa paligid, kakailanganin nilang magpanggap na mag-asawa para pabagsakin ang mga taong umapak sa kanila.
62
Returning As My Ex-Husband's Living Nightmare - Romance novel & cerita
MonaBean
‎After her ex-husband abandons their dying son and throws her away like trash, a heartbroken mother undergoes plastic surgery to mirror her ex-husband's deceased first love; returning as a powerful billionaire to dismantle his life, marriage, and empire. ‎ ‎***** ‎ ‎When Betty’s son lay on his deathbed, she swallowed her pride and begged her estranged ex-husband Leo for help. Instead, Leo subjected her to public humiliation alongside his cruel new wife Clara, and wash his hands of a child he refused to acknowledge. ‎ ‎​With her son surviving abroad through the vast fortune left behind by her late second husband, Betty vows vengeance. Armed with unimaginable wealth and a face surgically altered to look identical to Leo’s untouchable first love and eternal obsession, she sheds her past entirely. ‎ ‎​Now operating under the guise of a high-powered corporate titan, Betty re-enters their elite social circle. Leo and Clara have no idea that the woman they tried to erase has returned for revenge. The nightmare has just begun. And this time? Their ghost is coming home, with a twist.
103
FAKE MARRIED TO HIS REVENGE - Romance novel & cerita
AnneVillamin
"She married for love. He married for revenge." Para kay Elena, ang pagpapakasal kay Markus Smith ang pinakamasakit ngunit pinakamatamis na sakripisyo ng kanyang buhay. Tinitiis niya ang bawat pambabatikos, malamig na titig, at malupit na parusa ng lalaking lihim niyang minamahal—lahat ng ito ay para mailigtas ang kanyang pamilya at masuklian ang taong minsang tumulong sa kanya. Sa gitna ng lahat ng paghihirap, isang munting liwanag ang dumating: buntis si Elena. Umaasa siyang ang sanggol na kanyang dinadala ang magiging dahilan upang lumambot ang matigas na puso ni Markus. Ngunit isang gabi, tuluyang pinatay ng isang katotohanan ang natitira niyang pag-asa. “Peke lang ang kasal namin. Kahit kailan, hindi ko mamahalin si Elena.” Ang mga salitang iyon, mula mismo sa bibig ni Markus, ang naging huling dagok sa pusong matagal nang nagtitiis. Kung ang kanilang kasal ay isang malaking kasinungalingan at ang pag-ibig ay isa lamang pangarap… nararapat pa bang malaman ni Markus ang tungkol sa kanyang pagbubuntis? At kapag tuluyan nang matuklasan ni Markus ang lihim na pilit itinatago ng babaeng kanyang pinapahirapan, ipagpapatuloy pa rin ba niya ang kanyang marahas na paghihiganti o ang sarili niyang galit ang tuluyang maglalayo sa tanging babaeng tunay na nagmamahal sa kanya?
101
Claimed by My Ex-Bestfriend's Stepfather - Romance novel & cerita
Anne Lars
Sa loob ng halos tatlong taon, tiniis ni Cassandra ang malamig na pakikitungo ng kaniyang fiancé na si Sebastian, umaasang balang araw ay mamahalin din siya nito nang buong puso. Ngunit gumuho ang mundo niya nang matuklasang ipinagpalit siya nito sa kaniyang childhood best friend na si Prescilla. Ipinahiya, pinagtaksilan, at muntik nang pagsamantalahan, si Roman Crosswood, ang malamig at makapangyarihang billionaire CEO, ang nagligtas sa kanya. Ngunit paano kung ang lalaking nagligtas sa kaniya ang siya ring susi sa kanyang paghihiganti? Sa gitna ng sakit at galit, pumasok si Cassandra sa isang lihim na kasunduan kay Roman. Ang isang mapusok na pagkikita ay nauwi sa isang ipinagbabawal na pagnanasa at damdaming hindi nila kayang kontrolin. Nang talikuran siya ni Sebastian sa mismong araw ng kanilang kasal upang piliin si Prescilla, gumawa si Cassandra ng isang nakakagulat na desisyon. Inalok niya si Roman na maging kapalit ni Sebastian. At pumayag si Roman. Sa harap ng mga taong minsang humamak sa kaniya, ilalantad ni Cassandra ang mga kasinungalingan at pagtataksil ng kanyang mga kaaway. Sa tulong ni Roman, babangon siya bilang isang babaeng hindi na kayang yurakan ng sinuman.
25
Bound to My Ruthless Ex - Romance novel & cerita
Mariyah
Their marriage ended in betrayal and their love ended in heartbreak. Or so she believed. Years after their divorce, Elena Rose finds herself trapped in a new arrangement with her ruthless billionaire ex-husband as the only person standing between her and ruin. Damian is determined to claim her again while she’s determined to make him pay. Will Elena choose revenge over the man she once loved? Or will she realize that behind the ruthless billionaire is the man who never stopped choosing her?
10
371
Sebelumnya
12345

Anda juga akan menyukai

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status