Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE

FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE

Sa gabi ng kaniyang ika-18 kaarawan, gumuho ang buong mundo ni Audrey Cayetano. Sa likod ng engrandeng selebrasyon, lihim siyang nilason ng anak ng kaniyang madrasta, at ipinain sa isang planong sisira sa kaniyang pangalan. Ngunit sa pagtakas niya, hindi niya inaasahang mapupunta siya sa silid ng isang misteryosong lalaki… isang pagkakamaling magbabago sa kaniyang kapalaran magpakailanman. Kinabukasan, natuklasan niya ang mas masakit na katotohanan—ang kaniyang ama, ang taong pinaniwalaan niyang kakampi niya, ay isa palang traydor na matagal nang ninanakaw ang lahat mula sa kaniyang pamilya. Tinapon, pinahiya, at iniwan… pinili ni Audrey na mawala. Ngunit makalipas ang apat na taon, muli siyang bumalik—hindi na bilang mahina at inosenteng dalaga, kundi bilang isang babaeng handang bawiin ang lahat. Kasama ang kaniyang anak… at ang lihim na maaaring magpabagsak sa lahat ng sumira sa kaniya. Ngunit paano kung ang misteryosong lalaking minsang tumulong sa kaniya… ay ang parehong taong muli niyang makakaharap? At ang taong makakatulong sa kaniyang anak? Sa laban ng pag-ibig, kapangyarihan, paghihiganti at pag-asa—sino ang tunay na magwawagi?
1032 viewsOngoing
Read
+Library
Hiding My Real Beauty From My Billionaire Playboy Husband

Hiding My Real Beauty From My Billionaire Playboy Husband

"Kailan man, hindi ako iibig sa isang pangit!" Iyan ang sumpa ng sikat at mayamang CEO na si Dave Madrigal. Pinakasalan niya si Shane dahil lamang sa utang na loob sa mga magulang nito, ngunit itinuring niya itong basura dahil sa katakut-takot nitong hitsura—bunga ng isang lihim na sumpa sa pamilya ng babae na mawawala lamang sa pagsapit ng kanyang ika-25 na kaarawan. Sa loob ng tatlong taon, tiniis ni Shane ang pambababae at lamig ng asawa. At sa mismong araw bago ang kanyang kaarawan, ibinato sa kanya ni Dave ang divorce papers kapalit ng nabuntis nitong sekretarya. Ngunit mapaglaro ang tadhana. Sa gabi ng kanyang kaarawan, ang sumpa ay napawi. Sa harap ng marangyang party, lumantad si Shane bilang isang napakagandang dyosa at ang bagong makapangyarihang CEO ng kanilang pamilya. Nang makita siya ni Dave, lumuhod ito sa pagsisisi at sinimulan siyang habulin. Ngunit ang pusong nadurog ay natuto nang lumaban. Magpapadala ba si Shane sa mga pekeng luhod ng dating asawa, o gagawin niyang impiyerno ang buhay nito sa ngalan ng paghihiganti?
95 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as admiring from afar
Read
+Library
Escaping from the OBSESSED MAFIA SON [MADRIGAL SERIES 2]

Escaping from the OBSESSED MAFIA SON [MADRIGAL SERIES 2]

WARNING!! MATURED CONTENT [SPG-R18] When Kate's family was completely in debt, her father thought that Kate could raise their company again by marrying their business partner Mr. Halerio "Dos" Madrigal. Kate just wanted to save her younger sister so she agreed to his father's will. But there's something that she can't forget about Dos, the way he touch her and make her pleasured. All she wanted was to be free from her father and to be with her sister and live a beautiful life together.
101.4K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as admiring from afar
Read
+Library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
10797 viewsOngoingAdded to Library 23 Times as admiring from afar
Read
+Library
Running Away From the Billionaire's Wrath: My Baby Daddy is

Running Away From the Billionaire's Wrath: My Baby Daddy is

Matapos ang ilang taong pagkakahiwalay, muling nagkrus ang landas nina Mariposa, Madrigal at ng dati niyang kasintahang si Gilbert, Saison sa isang pulong ng kompanya. Si Gilbert rin ang ama ng kanyang anak. Ang tanging nais ni Mariposa ay makaiwas sa kanya. Natatakot siyang maagaw ang kanyang anak, at higit sa lahat, natatakot siyang muling mawalan ng lahat. Naalala pa niya ang mga salitang minsang binitiwan nito, na laro lamang ang lahat para sa kanya. Kaya naman pinili niyang panatilihin ang isang mahigpit na propesyonal na relasyon bilang empleyado at nakatataas sa trabaho. Habang maraming babae ang palaging pumapaligid kay Gilbert, wala ni isa man sa mga ito ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Noong una silang muling magkita, inakala ni Gilbert na siya ang iniwan ni Mariposa, at agad itong nag-asawa at nagkaroon ng anak. Dahil doon, nagpasya siyang paghigantihan ito. Nais niyang makita itong nasasaktan, nagsisisi, at wasak ang puso. Ngunit habang sinasamantala niya ang kahinaan at mga pagsubok na kinakaharap nito, hindi niya napigilang hangarin na manatili ito sa kanyang tabi, alagaan ang kanilang anak, at bumuo ng isang tahanan kasama siya. At nang malaman niya ang buong katotohanan, saka niya napagtanto na ang taong pinakamatindi niyang nasaktan sa kanyang paghihiganti ay si Mariposa mismo. "Ikaw ang nagsabing dapat tayong maglayo sa isa't isa," malamig na sabi ni Mariposa. Ngunit marahang itinaas ni Gilbert ang kanyang baba at ngumiti. "Maglayo?" bulong niya. "Sige. Pero ang distansyang iyon ay malabong mangyari.”
10141 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as admiring from afar
Read
+Library
Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch

Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch

“How far are you willing to go… for a forbidden love?” Akala ni Jenesis Apolonia Capistrano, kaya niyang tiisin ang lahat, isa na roon ang pagiging manugang sa isang pamilyang hindi siya kailanman tinanggap. Sa loob ng marangyang bahay na iyon, wala siyang boses. Wala siyang kakampi. Bawat galaw niya, may mali. Bawat araw, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nauubos. At ang asawa niya? Nandiyan lang pero hindi niya kailanman naging sandalan. Hanggang sa may isang pares ng mata na nagsimulang tumingin sa kanya… nang higit sa dapat. Si Raoul Alistair Rodriguez. Ang panganay na kapatid ng asawa niya. The cold, dominant, and dangerously in control brother-in-law of hers. Isang lalaking dapat niyang iwasan. Isang lalaking hindi niya dapat iniisip. Pero sa gitna ng sakit at pag-iisa, si Raoul ang naging pahinga niya …and also her greatest temptation. Sa bawat titig, sa bawat paglapit, unti-unting nabubura ang mga hangganan na pilit niyang pinanghahawakan. Mali iyon. Pinagbabawal. Malaking kasalanan. Pero nang hawakan siya ni Raoul, doon niya napagtanto, not every sin feels wrong. Dahil minsan, ang pinakamasarap na pakiramdam… ay yung alam mong hindi dapat. At kapag puso na ang kumilos, kahit mali... nagiging tama. Now, will Jenesis choose to walk away from Raoul's touch… or let herself fall into a love that could ruin her?
9.813.9K viewsOngoingAdded to Library 527 Times as admiring from afar
Read
+Library
Love me or Hate me(But you can't escape from me)

Love me or Hate me(But you can't escape from me)

Cassidy still wanted to see her ex-boyfriend Austin na isang high ranking Police Officer na,.again after many years but not in this humiliating and scaring situation, Cass who's disguising herself habang naghahalungkay sa kwarto nito while looking for the thing that will save her brother's life. But she was caught by Austin who didn't recognize her and tried to hit her by his dagger. But of course she has a goal and tried her best to escape many times but she was always caught by Austin. And it makes his suspicions rise towards her, he drowns her discovering her real identity and she has no choice but to tell him the truth. She needs to make a deal with him, he will help her save her brother but she needs to stay. 'Easy..Got it! ' But to her shock after learning that he is still crazily following his ex-girlfriend and her ex-bestfriend na si Jenna who's already engaged at nakikipag flirt parin kay Austin and it makes her mad. To her anger she set them up Jenna and Austin and brought Jenna's fiancee at talakan si Jenna but Austin was so mad at her that he left her in the middle of nowhere soaking wet under the rain, and after a few minutes he returned crushing his 4x4 huge car sa sasakyan nang lalaki na nagmagandang loob lang na isakay siya just to get her back and carry her on his shoulder like a sack of rice! But she already made up her mind, Austin wanted Jenna and she will accept Juanito's marriage proposal the gang leader who took her brother. In exchange for her brother's life.. The question is.. papayag ba si Austin?
1015.5K viewsCompletedAdded to Library 450 Times as admiring from afar
Read
+Library
Echoes of the Heart

Echoes of the Heart

A love that is silent but never a secret. It is a soft scream that echoes over the years. At a young age, Lana Normina Delfin started developing simple admiration towards someone, her classmate, who constantly teased her because she's a transferee. Turns out that this boy had a crush on her and was just trying to get her attention. But right after she realized her admiration on him, he suddenly distanced himself and started treating her like a mere acquaintance. But even after leaving her confused and wondering, she stayed silent and kept her feelings. She was okay admiring him from afar, with few rumors spreading about it, hoping they would reach him. Until he left, leaving the country without any assurance of returning. Was it the end? He already left and there's nothing between them that she could hold on. Should she accept it already and live by? Because it's been years. An undeniably long years.
1.1K viewsOngoingAdded to Library 29 Times as admiring from afar
Read
+Library
Working as a Maid for the Billionaire

Working as a Maid for the Billionaire

Ang hirap mabuhay kapag palagi nalang nag-iisip tungkol sa pera. Mahirap bumangon sa araw-araw kung lagi mong poproblemahin ang pangtustos sa araw-araw. Iyan ang buhay ni Anya, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagtrabaho na kaagad siya pagkatapos ng high school para tumulong sa pangtustos nila sa araw-araw. Nabiyayaan siya ng pagkakataon na magtrabaho bilang kasambahay sa mga Villamor, ang pamilya ng crush niyang si Lucas Villamor noong high school. Nanumbalik ang kilig at pananabik niya nang makita ulit ang lalaking pinapangarap niya. Maayos naman ang lahat, ngunit napapadalas ang engkwentro nila ng kanyang boss na si Sir Lucas. Umabot sa punto na, hindi na sapat ang ginagawa niyang 'admiring from afar' lamang. Alam niyang hindi magbubunga ang nararamdaman niya, sa estado palang ng buhay, alam niyang ang buhay na mayroon siya ay hindi kakumpa-kumpara kay Lucas. Mapigilan niya kaya ang nararamdaman niya para sa amo niya? Paano kung may nararamdaman din ito para sa kanya? Ano kaya ang gagawin niya lalo na’t alam niyang bawal na makipag-relasyon sa amo niya?
1011.6K viewsOngoingAdded to Library 404 Times as admiring from afar
Read
+Library
ENTANGLED HEARTS

ENTANGLED HEARTS

Amelia, a rich brat from Manila, who was sent to the country side to live with her Aunt as a punishment. She hates the place. It bore her. Then she met Hendrix, a college guy taking up civil engineering. Guwapo, matalino pero mahirap lang ang lalake kaya hindi ito gusto ni Amelia. "Guwapo sana pero poor lang siya. Hindi ko siya type." Pero ang lahat ng sinabi niya ay kinain din niya kalaunan. One day, she found herself admiring this handsome, broke, college guy. Oh no! She can't like him! Ayaw niya sa lalakeng butas-butas ang brief!
1019.0K viewsCompletedAdded to Library 511 Times as admiring from afar
Show Reviews (17)
Read
+Library
Margie Roylo
Sa sobrang baliw ko sa kanila parang gusto ko ireread ulit hahah bitaw while waiting the updates gusto kong ireview my god nagustuhan ko talaga sila Miss Shynnbee......️...ganda po talaga ng mga gawa mo...
Kat A
Salute to U Ms. A... Napupuyat mo ko sa mga novels mo. Ang ganda sari-saring ganap ntn sa buhay ang mababasa nyo d2. Lahat ata ng emotion ko nailabas ko na sa story na to hahaha. Na excite 2loy ako basahin lahat ng novels nya kz ang gaganda. This is Highly recommended tlga!
Read All Reviews
PREV
1
...
34567
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status