A Secretary Affair
Mainit pa rin ito kapag tumama sa balat ko, parang dugong bagong tumibok pa lang mula sa puso.
Hindi na ako nagulat sa nakita ko. Lumaki akong alam ang katotohanan ng pinagmulan namin. Ang lola ko ay hindi tao lamang siya ay kalahating demonyo at kalahating lobo. Sa mga katulad namin na may ganitong lahi, may tawag kami. We call them Welsh.
Ang mga Welsh ay may kakayahang mag-anyong tao nang perpekto, kaya madalas ay namumuhay kami kasama ng mga ordinaryong tao nang hindi nila nalalaman kung sino talaga ang katabi nila.