My Deepest, Darkest Secret!
Chapter 47 – Nagkakagustuhan na Kami
Pag-uwi ko sa condo nung hapon na iyon ay matama kong pinagtagni-tagni ang mga pangyayari kung paano ang mga nangyari noong ikasal ako kay James. Una, pareho naming hindi kilala ang isa't isa.. Pangalawa, ni hindi kami nagkita ng personal kaya hindi namin alam ang hitsira ng bawat isa. Ikatlo, nag-uusap lang kami via cellphone para lang matuloy ang arranged marriage namin na kagustuhan ng aming mga ina. Pang-apat, pumayag si James na magpakasal sa aking dahil sa kondisyon ng kanyang ina na gagawin siyang CEO ng kanilang kumpanya. Ika-lima, pumayag din akong magpakasal kay James kapalit ng 10 million pesos. Ang akala ko kasi hindi siya papayag ng magbayad
ตอนยอดนิยม