When Love and Hate
Malamang mapapansin niya talaga iyon dahil nga kanina pa kami napapasulyap sa isa't isa.
"Yeaahh!"
Napatingin kami ni Charleston kay Zarrah at doon napansin kong wala si Dion sa tabi niya. Muli kaming napatingin sa stage at doon nakita namin si Dion na may hawak na mic, na tila ba kakanta. Saglit pa ay tumugtog ang banda at natigilan ako sa kantang kakantahin niya. Intro pa lang ng kanta ay biglang bumalot sa akin ang kaba. Kung hindi ako nagkakamali, kanta iyon ng Def Leppard, na When Love and Hate Collide. Minsan ko nang narinig ang kantang iyon, at pakiramdam ko ay nababalot iyon ng saya at lungkot na sadyang noon ay hindi ko maintindihan.
ตอนยอดนิยม