Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake
Bagama't pinalalayas ng mga enforcer ng MMDA at minsan naman ay ng kapwa vendor na mga suwapang at balahura sa iba, ay nakikipagsapalaran pa rin ako para kumita dahil ako ang bumubuhay sa lasinggero at sugarol kong ama.
Ako si Abigail Santos, isang out-of-school youth. Tama, hindi ko na natapos ang huling taon ko sa high school dahil sa mga hindi naiiwasang pangyayari. Sa ngayon, ako ay bente anyos na at nabubuhay sa sariling pagsisikap para maitawid ang araw-araw naming buhay mag-ama. Tuwing umaga ay sinisikap kong pumuwesto sa terminal nang maaga para makabenta rin nang maaga. Ang mga bantay sa kalsada ay alas otso pa ang duty, habang ang ibang vendor naman, dahil nagpapaabot ng gabi, ay t