The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey
Puno 'yon ng maliliit na tindahan na may makukulay na paninda, amoy ng dagat, at halakhakan ng mga lokal.
Agad akong bumaba ng sasakyan. Basta iniwan ko lang sila at naglakad palapit sa isang stall.
“Miss, dito,” tawag ng matandang tindera, sabay turo sa mga hinabing bag. “Ivatan-made ’yan, ineng.”
Hinaplos ko ang isa. Simple 'yon at mukhang matibay, walang arte.
“Magkano po?” tanong ko.