Elusive Heart
Alex texted me to inform that he is waiting outside the company, kaya agad na akong kumilos para hindi na ito maghintay pa nang matagal sa akin.
Bababa na sana ako nang matanaw ko ang nakangiting si Darwin. Isa ito sa masugid kong manliligaw. Mabait naman ito at maginoo kaya pinapakiharapan ko ito nang maayos kahit nakakailang man. Matagal-tagal na rin niya akong niligawan, ngunit hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Hindi naman sa choosy o nag-iinarte ako, dahil sa totoo lang kung matuturuan lang sana ang puso, e ‘di sana matagal ko na itong sinagot at tinanggap sa buhay ko.
"Hi, Elle," nakangiti nitong bati nang makalapit na ito sa akin.
Sikat na Kabanata