Memories of the Past [COMPLETED]
Tumango ang tenyente, "Ganito po ang pangyayari. Isang araw habang kunwari'y nagbabasa ng papeles ang tagapaningil ng buwis napansin ng isang grupo ng mga bata na pabaligtad niya itong binabasa. Nagtawanan ang mga iyon na ikinagalit ng tagapaningil ng buwis at sila'y hinabol. Nagtakbuhan ang mga nanunuksong bata habang sumisigaw ng a-e-i-o-u. Sa galit ng lalaki pinukol niya ng baston ang mga iyon. Tinamaan ang isang batang lalaki at nawalan ng malay. Hindi pa nasiyahan, nilapitan ng Kastila ang bata at pinagsisipa. Marami ang nakakita pero walang mangahas magtanggol sa bata. Sa daraan noon ang iyong ama. Sinugod niya ang tagapaningil ng buwis at hinawakan niya ang kamay nito. Nagtangkang lum