CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD
Napatingin si Don Primero sa malayo, waring binabalikan ang mga taon ng pagdududa.
"Matagal rin akong nagduda sa kakayahan niya... dahil sa kasarian niya," patuloy niya,
"Pero hindi na mahalaga sa ngayon ang kasarian niya. May tinatago siyang talino, determinasyon, at paninindigan upang mahigitan ang mga taong matagal nang nakaupo sa itaas. Kailangan niya lang ng suporta mula sa isang madiskarteng taong katulad mo. I hope you can help him grow into the kind of person who learns continuously, makes thoughtful decisions, and leads with wisdom and confidence."