My Possessive Professor
Kahit marksman ang role ay mapagbigay.
Custom game nilalaro namin sa ML, 5v5. Kampi ko sina Henry, Benjie, Joseph, at ang bagong sali na si Cloud. Nang malaman namin sa group chat na kanina pa maingay sa mga telepono namin ay niyaya rin siya nila Felix. Dahil sobra na ang bilang namin sa laro ay nagparaya na lang si Yohan at manonood na lang daw siya ng anime habang naglalaro kami. Sa kalabang team naman ay magkasama sina Brooklyn, Johnny, Felix, Travis at Calvin. Gusto sana sumali kanina ng best friend ni Benjie na si Blake, kaso nga lang puno na kami. Spectator na lang daw muna siya sa laro namin, siya na lang ang papalit sa akin mamaya dahil last game ko na ‘to.
Hot Chapters