Chasing the Moon
Unti unti ako bumangon para makaupo na ikinaalerto nito, inalalayan ako nito saka inayos ang unan sa likod ko at dahan dahan pinasandal.
"You want water?" he asked, tumango ako. Dali dali ito kumuha ng isang basong tubig sa maliit na ref katabi na tinutulugan nila Drea.
Pinagmasdan ko lang siya, matangkad siya at medyo may kalakihan ang katawan niya, sakto lang ang laki ng mga kalamnan niya sa kanyang mga braso, nag sisibakatan ang mga iilang ugat sa kanyang mga braso. Dumako ang tingin ko sa kanyang mukha, matangos ang ilong nito, may kasingkitan ang mga mata, mahahaba ang kanyang mga pilik mata, at may katamtamang kapal na kilay, hanggan sa dumako ang aking mata sa kanyang manipis na labi,
Hot Chapters