Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Tahimik man sa salita, pero rinig na rinig na ng mga puso nila.
———
Pagkatapos ng hapunan, nagtagal pa rin si Eros sa balcony. Pareho lang silang nakaupo, tahimik, habang ang hangin ng gabi ay banayad na humahampas sa kanila.
“Gusto mo ng dessert?” tanong ni Veronica habang kinukuha ang cheesecake na kasama ng dinner.
“Oo naman,” sagot ni Eros, naka-ngiti habang nagre-relax sa upuan. “Sino ba naman ako para tumanggi sa dessert?”