กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
BABY IT'S ONLY YOU

BABY IT'S ONLY YOU

Nagpasya si Aldrin John Villafuerde na umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng pag-aaral niya sa kolehiyo. Maaga siyang nagbook ng kanyang ticket para maaga rin siyang makarating ng Pinas. Excited na siyang makauwi para bisitahin si Jamaica Montefalcon, ang kababata niya at malapit na kaibigan noong sekundarya. sa di inaasahang pagkakataon ay makakasalubong niya si Athena Salazar, dati nilang kaklase ng sekundarya at matagal ng may gusto sa kanya. Napagplanuhan na ng mga magulang ni Jamaica at Aldrin na ipakasal sila sa lalong madaling panahon kaya naman ay nag-usap sila tungkol sa kasalang magaganap. Pumayag sila sa kagustuhan ng kanilang mga magulang dahil mahal naman nila ang isa't isa pero hindi pa nila ito inaamin sa bawat isa. Matagumpay silang ikinasal ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay unti unting masisira ang tiwala nila sa isa't isa.
Romance
406 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Disguised Maid In The Wolf's Den

The Disguised Maid In The Wolf's Den

Si Agnes ay isang maganda at kaakit-akit na dalaga na kinailangang mamasukan sa mansyon ng mga Villacorte para makuha ang isang daang milyon na ipinangako ng don doon sa kanyang madrasta. Ngunit dahil nalaman niyang doon nakatira ang kilabot na playboy ng mga Villacorte na si Aeros ay nag make-up disguise siya sa takot na matipuhan siya nito at sapilitang makipag relasyon sa kanya. Ang hindi niya akalain, sa kabila ng pinapangit niyang hitsura ay natipuhan pa rin siya ng binata. Mahuhulog sila sa isa't-isa at magkakaroon ng relasyon ngunit mahigpit na tututol ang lola ng binata. Ano ang gagawin ni Agnes, aalis kaya siya sa mansyon ng mga Villacorte at iiwan kaya niya nang tuluyan si Aeros oras na makuha na niya ang kanyang kailangan? _-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_ Warning: Has A Explicit Mature Content, The Author Prohibits Readers Under 18 Years Of Age.
Romance
1011.2K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

Aura
Tumibok ang inosenteng puso ni Annabelle sa murang edad na disi-nuebe sa sundalong nadestino sa probinsiya nila—si Lt. Luis Miguel Saavedra. “You look perfect tonight, sweetheart.” Nakangiti ang malamlam na mga mata ng binata na nakatitig kay Annabelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa pisngi niya at inipit iyon sa likod ng tainga. “Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” Sa kabila ng siyam na taong agwat ng kanilang edad ay naiparamdam nila sa isa’t isa ang kanilang tunay na pagmamahalan. Nanumpa ng pag-ibig na walang hanggan. Ngunit isang hindi inaasahang dagok ang dumating, bunga nito ay ang masaklap na paghihiwalayan. Ngayong nagtagpo silang muli, makakaya kayang harapin ng dalaga ang bagong Miguel? Makakaya niya kayang harapin ang mga titig nitong puno ng pagkasuklam at mapagparusang pakikitungo sa kaniya?  
1013.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Unexpectedly Her Sperm Donor Is A Billionaire (TAGLISH)

Unexpectedly Her Sperm Donor Is A Billionaire (TAGLISH)

Sa edad na bente-kuwatro ay nakapagpundar na si Zafhara Ziah Cledera ng isang negosyo, ito ay ang Ziah's Flower Shop. Dahil dito ay nagkaroon siya ng stable na income at sa pagsusumikap ay nakapagpatayo na rin siya ng sariling bahay. Isa na lamang ang para sa kaniya ay kulang, ang magkaroon ng isang anak. Naghanap siya ng taong babayaran upang maging sperm donor niya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ay nagkamali siya ng hotel unit na pinasukan. And she saw Braxien Philip Saavedra, a billionaire turn out to be her sperm donor. Anong mangyayari kung sakaling malaman ni Braxien na nagbunga ang isang gabi ng pagkakamali ni Ziah? Hahayaan ba ni Ziah na makuha na lamang basta ang anak niya? O gagawa siya ng paraan para kapwa nila makasama ang anak?
Romance
9.9300.4K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea. Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas. Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa? At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Romance
7.5K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Memories of the Past [COMPLETED]

Memories of the Past [COMPLETED]

Demie
Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila. Date Written: March 5, 2021 Date Finished: September 25, 2021
History
6.3K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?
Romance
1016.1K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
Romance
367 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire's Mischievous Wife

The Billionaire's Mischievous Wife

Mulat si Kristine sa buhay probinsya dahil magmula noong maghiwalay ang kanyang mga magulang ay kinuha siya ng kanyang ama at dinala sa probinsya upang doon manirahan. Sabik siya sa pagmamahal ng isang ina, kaya nang magkataong kailangan ng kanyang ina ang tulong niya, ay kaagad itong pumayag para lamang makapiling ito kahit na labag man sa kagustuhan ng ama. Lahat ay gagawin niya alang-alang sa gustong mangyari ng ina, ngunit hindi niya inaasahang ang tulong na hinihingi ng ina niya ang siyang makakapagpabago sa mga dati niyang nakagawian at buong katauhan.
Romance
3.9K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
One Night Stand With The Mysterious Billionaire

One Night Stand With The Mysterious Billionaire

Pinagkaisahan si Audrey Santillan ng kanyang kapatid. Sa araw ng kanyang kaarawan ay inakala niyang ang kanyang kasintahan ang napagbigyan ng ng sarili ngunit estranghero pala ito. Makalipas ang limang taon, gamit ang bagong pangalan, bumalik siya upang ipaghiganti ang nangyari sa kanila ng kanyang kawawang sanggol. Iyon ay ang pakasalan si Marco Montezides, ang lalaking imbalido ngunit isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa. Ito rin ang half-brother ng kanyang dating kasintahang si Julian Montezides. Paano kung sa kagustuhan niyang makaganti, mayroon siyang mga matutuklasang hindi karaniwan? Lalong-lalo na sa isang misteryosong bilyonaro.
Romance
10106.5K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
4041424344
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status