The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession
Ngunit ang katuwaang iyon ay biglang naglaho, tila isang kandilang hinipan ng malakas na hangin, nang banggitin ni Ayumi ang huling bahagi ng usapan nila ni Klent.
"Kailangan na raw niyang umalis kanina dahil susunduin niya ang anak niyang si Luna."
Sa isang iglap, nanigas ang buong katawan ni Hunter. Ang pangalang Luna ay tila isang matalim na kutsilyo na bumaon sa kanyang likuran, binubuksan ang mga sugat na pilit na niyang pinaghilom. Hindi na siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa telebisyon, pero ang kanyang isip ay lumipad pabalik sa England sa gabing nadatnan niya si Luna na may kasamang ibang lalaki, ang gabing winasak nito ang lahat ng tiwala niya sa pag-ibig.
인기 회차