ANG TAKAS
Ngunit naunahan siyang magdahilan ng boyfriend niyang mabilis mag-isip.
“Ganito kasi ‘yon, Chief,” panimula ni Victor habang patuloy pa ring iniaayos sa utak ang alibi na naisip, “nag-prank kasi siya sa akin. Tinawagan niya ako, sabi niya pinipilit daw siya ng papa niya na ipakasal sa kung sinong hindi niya gusto. Siyempre, girlfriend ko siya, so, itinakas ko nga siya. Kaya ako nag-mask ay para hindi ako makilala ng mga kamag-anak niya.”
“So, ang talagang nag-prank, e, itong si Miss?” Pagliliwanag ng alagad ng batas.
ตอนยอดนิยม