Contract Marriage with Mr. Impotent
"Nang maglaon, bumangon ang White Family. Nagsimula sa maliit na negosyo, hanggang sa nakapasok kami sa mundo ng mga elite. Pero kahit anong tagumpay ang dumating, hindi na muling bumalik si Fernando. Wala akong balita sa kanya… hanggang ngayon."
Tahimik si Fae, nakatingin lang sa pendant sa kanyang kamay. Ang jade rose ay tila may sariling liwanag sa ilalim ng ilaw ng silid. "So… Fernando Baker," mahinang sambit niya. "Siya ang tunay kong ama."
Tumango si Marcela, mahina ngunit puno ng katiyakan. "Oo, anak. At kung nasaan man siya ngayon… naniniwala akong hindi niya tayo nakalimutan."
Bab Populer