The Spoiled Wife of Attorney Dankworth
Kailangan niyang panindigan kung ano ang unang ipinakita niyang pagmamatigas na makipagbalikan sa dating nobyo.
“Atticus, sa tingin mo sa responsibilidad na pasan ko sa aking balikat may panahon pa ba akong mamuhi sa’yo at unahin ang nararamdaman ko? What's the point of dwelling on this? May magbabago pa ba? Wala naman na di ba?” sunod-sunod na tanong niya gamit ang kalmadong boses, hindi pa rin niya kinakalas ang yakap nito. Kahibangan man, pero nais niya pang maramdaman ang init ng mga bisig ni Atticus. “Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na babalik ka pa ng bansa na ako ang dahilan mo, o makitang nagsisisi ka sa mga nagawa mo. Tinanggap ko na kasi, kaya dapat na tanggapin mo na rin. What's
Hot Chapters