THE UNFAITHFUL WIFE
Hindi ko maiwasang mainggit.
“Takot siyang iwan ko dahil sa kalagayan niya,” pagpapatuloy ni Janine. “Dahil ayaw niyang nahihirapan ako sa kaniya, siya ang nagkusang umalis. Nagpasundo siya sa kapatid niya nang hindi ko alam ngunit ilang araw pa lang siyang wala ay ramdam ko ang kawalang kabuluhan ng buhay ko. Ramdam kong hindi ko kayang matagalan ang pangungulila lalo pa’t alam kong mas kailangan niya ako sa mga panahong wala siyang mga paa para gabayan siya. Noong nag-iisa ako, doon ko nalaman ang kahalagahan niya sa buhay ko. Nang sinundo ko siya sa kanila ay napatunayan ko sa kaniya, sa pamilya niya at sa sarili kong kaya kong harapin ang lahat ng hirap, kaya kong pagtagumpayan ang anuma
Hot Chapters